GMA Logo born to shine
What's on TV

Born to Shine: YUMI, unti-unti na bang masisira?

By Kristian Eric Javier
Published July 29, 2026 3:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pag-withdraw ng OVP ng malaking halaga ng pera, 'unusual,' ayon sa dating LandBank manager
BTS to skip 2027 Grammy Awards
Marcos inspects housing project in Duterte stronghold Davao City

Article Inside Page


Showbiz News

born to shine


Tuluyan na bang babagsak ang YUMI dahil kay Jeni? Panoorin sa 'Born to Shine.'

Sunod-sunod ang kontrobersiya na kinakaharap ngayon ng YUMI at ng leader nitong si Jeni (Zephanie) sa Born to Shine.

Matapos i-reveal ni Chikanene (Inah Evans) ang sikretong tinatago nina Jeni, Minchie (Manilyn Reynes), at Perry (Smokey Manaloto) na anak ni Dio (Rayver Cruz) ang dalaga, maraming netizens ang namba-bash online at offline kay Jeni.

Marami ang nagsasabing sinira nina Jeni at Minchie ang mga buhay nina Dio, Dara (Vina Morales), at Megan (Olive May) dahil sa relasyon nila sa padre de pamilya ng mga Halari.

Lalo lang lumala ang panghuhusga ng mga tao kay Jeni nang sabihin ni Megan sa publiko na wala siyang alam tungkol sa pagiging magkapatid nila, taliwas sa sinabi ng una sa isang interview.

Nakadagdag din dito ang pahayag ni Dara online, na sinasabing wala rin siyang kaalam-alam sa relasyon nina Minchie at Dio. Pinalabas din niyang tinraydor siya ng kaniyang kaibigan, na lalong nagpatindi ng hate at galit ng netizens sa pamilya nina Jeni.

KILALANIN ANG NEW GEM OF P-POP NA YUMI SA GALLERY NA ITO:

Sa kabila ng mga pagsubok na ito, nakahanap ng kaibigan si Jeni kay JC (Kobie Brown) na tumutulong at sumusuporta sa kaniya. Ngunit kapalit nito ay ang lalong pagkasira ng relasyon nila ni Megan, at pagsisimula ng lamat sa relasyon nila ni Nate (Michael Sager).

Lalong pinalala ni Megan ang isyu nang mag-post siya ng video online, kung saan sinasabi niyang boyfriend niya si JC sa isang video kung saan makikitang nililigtas nito si Jeni.

Dahil dito, maging ang mga kagrupo nila sa YUMI na sina Alfea (Naya Ambi), Yuna (Mitzi Josh), at Nancy (Gaea Mischa) ay nagkaroon na rin ng doubts sa kanilang leader. Lalo lang nawalan ng tiwala ang kaniyang mga kagrupo nang manggulo ang ilang fans sa isang event kung saan nasaktan si Yuna.

Tuluyan na nga bang magwawatak-watak ang YUMI dahil kay Jeni? At sa pagbabalik ng dating supporter ng dalaga, makaahon pa kaya siya?

Subaybayan ang kwento ng pag-abot sa pangarap sa Born to Shine, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime at Kapuso stream.