
Puno ng suporta sina Basha (Miggs Cuaderno) at ang buong Port Uno kay Jeni (Zephanie) sa kabila ng pag-alis niya sa grupo at mga intrigang kinakaharap nila. Samantala, gustong makipag-collab ng P-Pop Boy Group na BGYO sa YUMI! Ngunit sa pag-alis ni Jeni, mapurnada kaya ito?
Abangan ang pagningning ng bituing matagal nang kinukubli sa 'Born to Shine,' Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.