GMA Logo born to shine
source: Born to Shine
What's on TV

'Born to Shine': Yuna at Nancy, may bagong pagkakataon sa musika

By Kristian Eric Javier
Published September 14, 2026 1:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Martin Romualdez ordered transferred to QC Jail-Male Dormitory (Sept. 14) | GMA News
Maria Sharapova is 'so excited' for Alex Eala's future
BOTO NA: Sino sa cute pairings na ito ang mukhang may FOREVER?

Article Inside Page


Showbiz News

born to shine


Isang bagong pagkakataon para muling marinig ang boses nina Yuna at Nancy sa 'Born to Shine'!

Sa kabila ng pagtatapos ng YUMI, patuloy pa rin sina Yuna (Mitzi Josh) at Nancy (Gaea Mischa) sa pagtupad ng kanilang mga pangarap sa Born to Shine.

Sa katunayan, tila magkakaroon pa sila ng bagong pagkakataong makatungtong muli sa entablado bilang professional singers.

Matatandaan na sa pag-alis ni Megan (Olive May) sa YUMI para mag-solo, napilitan ang Astra M, ang nagma-manage sa kanila, na buwagin ang P-Pop group. Ito ay kinabibilangan na lang nina Yuna, Nancy, at Alfea (Naya Ambi).

Kamakailan lang ay nagpaalam na rin si Alfea kay Megan at nagsabing lilipad na ito papuntang New Jersey para ipagpatuloy ang pag-aaral ng medisina. Samantala, nagpatuloy naman sa pagkanta sina Yuna at Nancy at nagpo-post ng live performances nila sa isang app para kumita.

Ngunit matapos ma-scam para sa isang gig sana sa isang bar, muntik nang mawalan ng pag-asa ang dalawa. Pero dahil baon sa utang ang tatay ni Yuna, kinailangan nilang bumalik sa pagpe-perform sa kalye.

KILALANIN ANG ILAN SA MGA PINAKAMAGAGALING NA KAPUSO ACTORS NA SINGERS DIN SA GALLERY NA ITO:

Sa katunayan, muntik na nga silang bumalik sa dating kinagawian nila na pagnanakaw. Buti na lang at nakonsensya si Nancy at hindi niya tinuluyan ang biktima niya sana.

Sa halip, ibang mandurukot ang kumuha ng cellphone ng isang mama galing sa loob ng sasakyan. Mabuti na lang ay mabilis si Nancy at naharang niya ito para mabawi ang cellphone ng nagpakilalang si Elvis Quijano (Nyoy Volante).

Lubos ang pagpapasalamat ni Elvis sa kanila at pinuri pa ang pagkanta ni Yuna. Nang makita ng dalawa kung gaano kalaki ang reward na ibinigay ni Elvis, kinantahan nila ito ng thank-you song, na nagpamalas din ng galing ni Nancy sa pagkanta.

Bago umalis, iniabot ng sekretarya ni Elvis ang isang business card, kung saan nabasa nilang presidente pala ito ng Hilaga Records, isa sa mga kilalang recording company sa bansa.

Ito na ba ang hinihintay nina Yuna at Nancy na big break para muling simulan ang kanilang karera sa musika? Abangan sa Born to Shine, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream. Mapapanood din ang musical drama series sa GMA Play.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.