GMA Logo boss toyo in Unang Hirit
Source: gmapublicaffairs/YT
What's Hot

Boss Toyo, pinresyuhan ang costumes ng Encantadia Sang'gre; bakit nga ba mas mahal ang kay Danaya?

By Kristian Eric Javier
Published May 24, 2024 8:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi | December 19, 2025
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

boss toyo in Unang Hirit


Sa kanyang pagpunta sa 'Unang Hirit' nitong Biyernes, May 24, tinanong ang online personality at Pinoy Pawnstars celebrity na si Boss Toyo kung magkakano n'ya bibilin ang costumes ng Encantadia Sang'gres na sina Alena at Danaya. Alamin ang kanyang sagot at kung bakit mas mahal ang kay Danaya, karakter na ginampanan ni Diana Zubiri.

Naging usap-usapan ng netizens ang naging pahayag ng social media personality na si Boss Toyo o Jason Jay Luzadas sa Bentahan Challenge ng Unang Hirit sa episode ngayong Biyernes, May 24.

Tinanong kasi ang may ari ng Pinoy Pawnstars kung magkano niya bibilhin ang original costumes ng mga Sang'gres ng 2005 fantaseye na Encantadia na sina Alena, played by Karylle, at Danaya, played by Diana Zubiri.

“Gan'to po talaga 'yung mga gusto kong binibili, actually, 'yung mga gamit na post-production sa mga shows,” sabi ni Boss Toyo ng makita ang costumes.

Kuwento pa niya, nakabili na siya noon ng isa pang memorabilia ng Encantadia, ang mapa nito, sa halagang PhP30,000.

At nang tanungin na siya kung magkano niya pipresyuhan ang costume ni Alena, ang sagot ni Boss Toyo, “Siguro kay Karylle, Alena, sagad ako dito mga PhP300,000, buo na.”

Ngunit ang pinakapinag-usapan ay sinabi ng online content creator tungkol kay Diana, “Diana kasi, sobrang idol ko ito noong kabataan ko. Tumangkad ako dito. Tumangkad ako!”

Dagdag pa ni Boss Toyo, “'Pag dinala po niya sa akin ng kung sino po, kunyari ng production, PhP400,000 po. Pero kapag si Diana ang nagdala sa akin, baka PhP500,000.”

“Sasagad ko po kapag nakita ko si idol. Diana Zubiri, sobrang idol ko yan.”

BALIKAN ANG REUNION NG 2005 SANG'GRES SA 'IT'S SHOWTIME' SA GALLERY NA ITO:

Dahil dito, hindi maiwasang matawa ng batikang radio at TV newscaster/host na si Igan, Arnold Clavio.

Aniya, “Mukhang gusto mong kunin ang damit ni Danaya.”

Paglilinaw ni Arnold, “Hindi po natin ibinebenta. Hindi po natin ibebenta 'yung mga costume ng mga Sang'gre. Ito po ay para lang subukan natin kung magkano siya ituturing talaga ni Boss Toyo,” sabi niya.