GMA Logo Boy Abunda
What's on TV

Boy Abunda, ano kayang drag queen name ang babagay?

By Jimboy Napoles
Published August 2, 2023 10:42 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Celtics exploit short-handed Bucks for latest lopsided win
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed
Daig Kayo Ng Lola Ko: Download Mommy (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Boy Abunda


Kung sakaling subukan ng batikang TV host na si Boy Abunda ang pagiging drag queen, anong pangalan kaya ang babagay sa kaniya?

“Shiny Boy”

Ito ang drag queen name na ibinigay ng Drag Race Philippines graduates na sina Viñas De Luxe at Eva Le Queen sa batikang TV host na si Boy Abunda.

Sa pagbisita nina Viñas at Eva sa Fast Talk with Boy Abunda kasama ang singer/director na si Ice Seguerra, ipinaliwanag nila kung ano ang “drag.”

“We use the term drag artists nowadays para mas gender open. It also emphasized the fact that drag is an art,” ani Eva.

Dagdag pa niya, “A fantasy that is brought to life, that is what drag is as an art form.”

KILALANIN ANG PINOY DRAG QUEENS DITO:

Aminado naman si Viñas na magastos din ang pagiging drag artist pero balewala na ito kapag pinalakpakan na sila ng mga tao.

Aniya, “Mahal po mag-drag pero parang ayos lang kasi napu-fulfill 'yung fantasy mo nabubuo kapag nagpalakpakan 'yung audience.”

Pagdating naman sa kanilang transformation, ibinahagi din ni Viñas na mabilis na lamang ang kaniyang pag-aayos ng kaniyang drag look na umaabot lamang ng isang oras.

Habang si Eva, sinabi na may kabagalan ang kaniyang proseso ng transformation na umaabot pa ng tatlong oras.

Sunod naman na tanong ni Boy kina Eva at Viñas, “Kung bibigyan niyo kami ni Ice ng drag queen names ano ito?”

“Since child star ka naman direk, lagyan natin ng baby, Ice Ice Baby,” ani Viñas kay Ice.

Sabi naman ni Eva kay Boy, “Parang dapat makinang talaga, parang ano, Shiny Boy. Makinang na makinang, ladies and gentlemen, Shiny Boy.”

“Para namang Shiny 'yung noo ko,” natatawang sagot ni Boy.

Samantala, kuwento naman nila Eva at Viñas, pareho silang "single by choice" ngayon.

Patuloy na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda pagkatapos ng The Seed of Love sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.