
Bilang selebrasyon ng first anniversary ng well-loved weekday game show ng GMA na Family Feud, sampung bigating celebrity teams ang maglalaban-laban sa week-long anniversary special ng programa simula April 10 hanggang April 14 kasama ang game master na si Dingdong Dantes.
Sa April 10, Lunes, maglalaban ang lead stars ng pelikulang Unravel na sina Mga Lihim ni Urduja star Kylie Padilla at Kapamilya hunk actor na si Gerald Anderson, na first time ding mapapanood sa GMA.
Ang nasabing pelikula ay kalahok sa kauna-unahang Metro Manila Summer Film Festival.
Samantala, sa April 11, Martes, mas magiging intense ang labanan kung saan maglalaro ang King of Talk na si Boy Abunda kasama ang kaniyang team Fast Talk na sina Comedy Concert Queen Aiai delas Alas, GMA Public Affairs host Drew Arellano, at award-winning actor na si Arnold Reyes.
Makakalaban nila ang Team Keridas na pangungunahan ng batikang actress-comedienne na si Carmi Martin at kasama niya sina Arci Muñoz, Sharlene San Pedro, at Adrianna So.
Matatandaan na naging usap-usapan kamakailan na natatakot umano ang TV host na si Boy na sumalang sa hulaan ng top survey answers sa Family Feud kung kaya't kaabang-abang kung paano nga ba siya makikihula ng top answer.
Sa April 12, Miyerkules, matindi rin ang harapan sa pagitan ng team TiktoClock at Hearts On Ice family. Ang team TikToClock ay binubuo nina Kuya Kim Atienza, Rabiya Mateo, Faith Da Silva, at Jayson Gainza habang ang Hearts On Ice naman ay binubuo nina Amy Austria, Tonton Gutierrez, Ina Feleo, at Skye Chua.
Pagdating ng April 13, Huwebes, talo-talo muna ang OPM band na Ben&Ben dahil mahahati muna sila sa dalawang grupo na pangungunahan ng magkapatid na sina Paolo at Miguel Guico.
Si Paolo ang magiging team leader ng National Anteam, kasama sina Keifer Dela Cruz, Agnes Abalos, at Poch Dulay. Habang si Miguel naman ang mangunguna sa kaniyang team na Teampered Glass kasama sina Toni Muñoz, Pat Lasaten, at Jam Villanueva. Ang kanilang isa pang band member na si Andrew de Pano ay kasama rin sa studio audience upang sumuporta sa kanila.
Pagdating ng Biyernes, April 14, magpapasiklaban naman ang grupo ng dalawang sikat na child stars noon na sina Ice Seguerra at Matet De Leon.
Kasama ni Ice sa kaniyang team ang kaniyang asawa na si Liza Diño, Abell Diño-Cabrera, at JC Seguerra. Gayundin si Matet na kasama ang asawa na si Mickey Estrada, kanilang anak na si Icay Estrada, at pamangkin ni Mickey na si Nicole del Rosario.
Huwag palampasin ang exciting week-long anniversary special ng Family Feud simula April 10 hanggang April 14, 5:40 ng hapon sa GMA. Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Family Feud show page sa GMANetwork.com.
BALIKAN ANG TRENDING MOMENTS AT MOST-WATCHED EPISODES NG FAMILY FEUD SA GALLERY NA ITO: