
Survey says… isang taon nang nagpapasaya ng milyon-milyong Pilipino ang trending weekday game show ng GMA na Family Feud.
Ngayong Martes, March 21, mapapanood ang first anniversary episode ng naturang programa kung saan maglalaro ang ilan sa cast ng GMA primetime series na Mga Lihim ni Urduja at Hearts On Ice.
Kasama sa team Mga Lihim ni Urduja ang lead star nito na si Sanya Lopez, at sina Ricardo Cepeda, Marina Benipayo, at Luke Conde.
Mula naman sa Hearts On Ice ay magpapakitang gilas sa hulaan ng top survey answers ang lead actress nito na si Ashley Ortega, kasama sina Lito Pimentel, Rita Avila, at Cheska Inigo.
Bukod dito, abangan din ang week long anniversary celebration ng Family Feud simula sa April 10 hanggang April 14, 2023.
Matatandaan na March 21, 2022, ipinalabas ang unang episode ng Family Feud kasama ang host nito na si Dingdong Dantes.
Sa nasabing pilot episode ay nagtapat ang team The Boobay and Tekla Show kasama sina Boobay, Super Tekla, Pepita Curtis, Ian Red, at team All-Out Sundays naman kasama sina Mark Bautista, Jennie Gabriel, Jessica Villarubin, at Garrett Bolden.
Sa loob ng isang taon, nakapagtala ang Family Feud ng consistent high TV ratings at online engagements. Umabot na rin sa mahigit limampung teams ang nanalo ng PhP200,000 jackpot prize kung saan maraming charity institutions rin ang natulungan ng mga winning team.
Tuloy-tuloy din ang pamimigay ng programa ng papremyo sa lahat ng mga manonood na sumasali sa “Guess To Win” promo.
Sa loob lamang din ng isang taon, nakatanggap na rin ng maraming pagkilala ang Family Feud mula sa maraming organisasyon katulad ng Most Outstanding Entertainment Show sa 5th Gawad Lasallianeta, at Best Game Show sa Platinum Stallion National Media Awards 2023 na iginawad ng Trinity University of Asia kasabay ng kanilang 60th founding anniversary.
Manatiling tumutok sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA. Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Family Feud show page sa GMANetwork.com.
BALIKAN ANG TRENDING MOMENTS AT MOST-WATCHED EPISODES NG FAMILY FEUD SA GALLERY NA ITO: