GMA Logo Boy Abunda, Miss Universe 2022
Source: Miss Universe
What's Hot

Boy Abunda, kinumpirmang inalok siyang maging host sa Miss Universe 2022

By Jimboy Napoles
Published January 15, 2023 10:55 AM PHT

Around GMA

Around GMA

No autopsy for girl who died after allegedly hit with notebook
Farm to Table: Ihawan festival with Hershey Neri, Sugar Mercado, and Robb Guinto
5 Travel behaviors shaping 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Boy Abunda, Miss Universe 2022


Ano kaya ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang pagiging host ni Boy Abunda sa Miss Universe 2022?

Kinumpirma ng tinaguriang King of Talk na si Boy Abunda na totoo ang balitang inalok siya na maging isa sa show commentators ng Miss Universe 2022 kung saan lumaban ang pambato ng Pilipinas na si Celeste Cortesi.

Sa media conference ng kanyang bagong programa sa GMA na Fast Talk with Boy Abunda nitong Sabado, January 14, ibinahagi ni Boy na totoong nakatanggap siya ng imbitasyon na maging bahagi ng hosting team para sa 71st edition ng Miss Universe na ginaganap ngayon sa New Orleans, Louisiana, U.S.A..

Aniya, “Yes, I was officially offered to anchor Miss Universe. Pero I think they decided to have an all-female hosting team but the email negotiations started November 1.”

Dagdag pa niya, “Dumating kami roon sa kontrata, malapit na sana e, until it came to a point when ang dami na naming schedules we're doing press conferences, we're doing pictorials and etc. so I have to write it back.

“The first letter was, 'Would you be interested to be a color commentator?' Ang tawag nila ay color commentator, show commentator or anchoring…'in the Miss Universe 2022 in New Orleans etc. etc.,' sabi ko, 'Are you joking? Maghuhugas ako ng plato niyo para ipagawa niyo lang sa akin 'yan.'”

Bagamat interesado naman si Boy na maging bahagi ng naturang international pageant, kinailangan niyang hindi tanggapin ito dahil sa kanyang pagiging abala sa mga naunang commitment niya sa trabaho.

Kuwento niya, “Yes, I was. Pero dumating 'yung panahon na hindi ko na talaga kinaya. My letter was, 'I'd love to do this sometime in the future in the next years or so etc. etc.”

Samantala, mapapanood na simula sa January 23 ang pinakabagong multi-platform showbiz news and talk show ni Boy sa GMA Afternoon Prime.

Panoorin ang teaser ng Fast Talk with Boy Abunda sa video sa ibaba:


KILALANIN ANG KING OF TALK NA SI BOY ABUNDA SA GALLERY NA ITO: