GMA Logo Boy Abunda
What's on TV

Boy Abunda, nagkwento tungkol sa lagay ni Kris Aquino sa Amerika

By Jimboy Napoles
Published November 8, 2023 10:15 AM PHT
Updated November 8, 2023 12:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Boy Abunda


Boy Abunda sa lagay ni Kris Aquino: “'Yung kanyang health condition, pabago-bago.”

Kinumpirma ng batikang TV host na si Boy Abunda ang naging reunion nila ng kaibigan na si Kris Aquino sa Amerika.

Sa kanyang programa na Fast Talk with Boy Abunda ngayong Martes, November 7, nagkuwento si Boy tungkol sa naging muling pagkikita nila ni Kris.

Ayon kay Boy, totoong naging emosyonal siya nang muling makausap si Kris matapos ang mahabang panahon.

Matatandaan na kasalukuyang naninirahan si Kris sa Amerika kasama ang kanyang mga anak habang siya ay nagpapagamot doon.

Kaugnay nito, may nilinaw din si Boy tungkol sa nasabing medikasyon ni Kris sa Amerika.

“Maaring maraming nagtataka kasi may mga lumalabas na balita po that Kris will have to stay in the U.S. for another 15 to 18 months. Ang dahilan po no'n ay dahil 'yung meds po na kailangan ni Kris, ay available lamang po doon at saka 'yung accessability to the doctors ay kailangan po 'yun. Kaya she has to stay mga ganon [katagal],” ani Boy.

Dagdag niya, “We are praying na sana ay mapaikli po ito para makasama na po natin si Kris dito sa Pilipinas.”

RELATED GALLERY: A timeline of Kris Aquino's health scares

Pagbabahagi pa ng TV host, tungkol sa lagay ni Kris, “'Yung kanyang health condition, pabago-bago, nagbabago kaya sabi nga niya, 'Boy baka hindi accurate.'”

Ibinahagi naman ni Boy na nagpapasalamat umano si Kris sa lahat ng mga taong nagdarasal sa kanyang agarang paggaling.

Aniya, “She wants me to let you know na sobra ang kanyang pasasalamat na hindi niya kinakailangan ang kaibigan, kakilala, katrabaho, kamag-anak, dahil alam niyang nagdadasal ang lahat. Napakaraming tao ang nagdadasal para sa kanya she said, 'Boy pakisabi, maraming maraming salamat.'”

Panawagan naman umano ni Kris na sana ay ipagdasal din ng mga tao ang mga taong nag-aalaga sa kanya kabilang ang kanyang mga mga anak, kapatid, at mga kaibigan.

“Kaya hayaan n'yo po, we will be giving you updates sa mga darating na panahon,” ani Boy.

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)

Nangyari ang nasabing heartwarming reunion nina Boy at Kris bago ang kaarawan noong una nito lamang October 2023.

Matatandaan na matagal na nagkasama sina Boy at Kris sa maraming TV programs, kung saan nakilala si Boy bilang King of Talk at Queen of all Media naman si Kris.

Isa rin si Boy sa mga taong malapit sa pamilya ni Kris. Sa katunayan, si Boy ang humahawak ng karera ng anak ni Kris na si Bimby.

Samantala, mapapanood naman si Boy sa kaniyang programa sa GMA na Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m.