GMA Logo boy abunda
What's Hot

Boy Abunda shares spotlight with newbie singers Anton, Raven, and Saga

By Nherz Almo
Published June 28, 2024 10:13 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Ilang bahay, nawasak at tinangay ng rumaragasang baha dulot ng thunderstorm
GMA Network Recognized with ECODEB Model Business Organization Award
Laborer hacked to death in Davao Occidental

Article Inside Page


Showbiz News

boy abunda


Newbie singers Anton Antenorcruz, Raven Heyres, and Saga interpret songs by Boy Abunda for his first LGBT-themed album 'Say It Clear, Say It Loud.'

“Orgasmic.”

Ganito inilarawan ni Boy Abunda ang kanyang pakiramdam nang opisyal na i-launch ang kanyang EP na Say It Clear, Say It Loud kagabi, June 27, sa Rampa drag Club sa Quezon City.

Sabi ng batikang TV host, “Nakakatuwa dahil napakaliit na proyekto nito sa umpisa. It took us five years to get us into this. Mahabang paglalakbay ang involved.

“Noong una lamang ay we just wanted to put up a band para we could start composing songs. Wala talagang klarong road map, ika nga. Kaya kung ilalarawan ko kung paano namin narrating ito, ipinagpasa-Diyos talaga namin. I mean it to the bottom of my heart. We're guided to be here. Ang dami naming pinagdaanan.

“Nangyari ang mga nangyari dahil sa kagustuhan ng Panginoon. Kasagsagan ng COVID yung paggawa ko ng mga kantang ito. It was a happy journey.”

Tampok sa album na Say It Clear, Say It Loud ang mga baguhang singer na sina Anton Antenorcruz, Raven Heyres, and Saga, na proud members ng LGTBQIA+ community. Live nilang inawit ang mga kantang sinulat ni Boy sa ginanap na media launch.

Sa ginanap na QnA, inihayag ng tatlo ang kanilang tuwa na mapabilang sa first music album ng Fast Talk With Boy Bunda host.

Para kay Saga, isang magandang oportunidad ang maging isang interpreter ng mga kantang isinulat ni Boy.

Aniya, “I'm very honored kasi may shame being part of this community. I took this chance to embrace the joy of being gay, of being part of something I'm very, very happy. Just to tell the story, the truth of the people inside our community, malaking honor na po yun--yung maging vessel ako sap ag-spread ng joy, ng love, and again yung truth po.”

Para naman kay Raven, masayang-masaya siya dahil ito ang kanyang unang project matapos ang kanyang stint sa “Tawag ng Tanghalan.”

“As a newbie, super thankful and proud din po ako at the same time na makasama kayong lahat sa project na 'to,” sabi niya.

Umaasa naman si Anton na makapagbigay ng inspirasyon sa mga nakararamdam pa rin ng takot na maging bahagi ng LGTBQIA+ community.

Pahayag niya, “Sa totoo lang po, sobrang saya na maging part ako ng project na 'to. Never akong nakapag-perform na na-present ko ang sarili ko nang wala akong inhibitions. Hindi ko iniisip kung ano yung iisipin ng mga tao. Finally, masasabi kong part ako ng LGTBQIA+ community.

“I see it more as a responsibility kasi… to be honest, first project ko pa rin po ito na talagang part ako ng LGTBQIA+ community. Hindi pa rin po talaga ako sanay, kumbaga, Pero gusto ko pa rin ibigay ito sa sarili ko na…

“Tanggap ko ang sarili ko ngayon, although hindi ko alam exactly kung paano ko ipe-present yung sarili ko. Kaya ko nasabing responsibility kasi gusto kong makapag-inspire ng mga taong katulad ko na may takot pa rin kahit papaano. Gusto ko sila isama sa journey ko sa pag-release ng mga kantang kasama rito.”

Ang Say It Clear, Say It Loud ay binubuo ng anim na kanta: "Bilang," "Say It Clear, Say It Loud," "Ideal World," "Papa Halleluja," "Kalbaryo," at "Diyos Ko Diyos Ko Po."

Samantala, narito ang ilan pang celebrities na proud members ng LGTBQIA+ community