Boy Abunda to release LGBT-themed album: 'I am going for legacy'

GMA Logo Boy Abunda

Photo Inside Page


Photos

Boy Abunda



“Bukas ilalabas na ang unang kanta at nakakakaba.”

Ito ang nakangiting sinabi ni Boy Abunda tungkol sa kauna-unahang niyang kanta, ang “Bilang,” na ire-release mamayang alas-dose, June 7.

Sa unang pagkakataon ay sumubok ang batikang TV host, na kilala sa industriya bilang Tito Boy, sa pagsusulat ng kanta. Naisip niya raw ang paraang ito para mas maisulong pa pantay na karapatan para sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community, na napapanahon ngayong Pride Month.

“I am going for legacy,” ani Boy nang makausap siya ng ilang piling entertainment media, kabilang na ang GMANetwork.com, noong Miyerkules, June 5.

Patuloy niya, “Naisip ko, ano ba ang contributions na nagawa ko sa LGBT community? Wala akong palpable na bagay na masabi na aking nagawa. Wala talaga except for doing what I do, which is teach in school and do television shows. Sabi ko, I must do something.

“I must admit na inside and outside of the community, ang ingay. You know, ang daming disagreements, ang daming debate, iba't ibang mga diskurso.

“Sabi ko, what is ironic is we haven't thought of using music as a tool to tell our story. Bakit di natin naisip na sporadically may something about gay love or other materials. But wala talaga yung pagtuunan natin ng pansin at gastusan natin ito. I spent single centavo for all the production, the writing, lahat. Mabuti naman hindi masyadong… Mahal man siya, pero dahan-dahan kas inga matagal. Pero kung biglaan, aaray ka talaga.”

Sa pamamagitan din ng pagsusulat at pagpo-produce ng LGBT-themed songs, umaasa si Boy na mas marinig pa ng mga kinauukulan ang kanilang panig.

“Parang I wanted more presence, I wanted to be heard more. I wanted to be seen more in certain spaces like legislative houses siguro.

“Sabi ko, bakit hindi natin gamitin ang kanta o maaaring sayaw. Sumubok tayo. At least doon, hindi polarizing. May mensahe ang kanta pero we don't have to debate about anything. And this is a business, this is a tool that I'm very familiar with.

“I don't wanna go there anymore. Huwag na. I don't want to go into that debate anymore. Let's just create music and dance, baka magparinigan tayo.”

“Say It Clear. Say It Loud.”

Sa kantang “Bilang,” maririnig ang mensahe tungkol sa dami ng mga miyembro ng LGBTQIA+ community na dapat din mabigyan ng pantay na karapatan.

Paglalahad ni Boy, “The SOGIE Bill has been languishing in the Congress. It's a very simplistic, political strategy. Ako, sasabihin ko na, gusto kong marinig, gusto kong makita ang LGBT community dito sa Pilipinas. Nakipagdebate na tayo, sana ipagpatuloy pa. We have passionate activists, they should continue doing it.

“I spoke to Geraldine [Roman, Bataan representative] about this, hindi ko alam kung maaalala niya. Pero sabi ko, ang kulang sa atin, na dapat pagtulung-tulungan natin, if politicians know how many we are, papansinin tayo. In politics, ang numbers ay kapangyarihan. 'We're three million, five million, do you wanna talk to us?'

“I mean, I am very realistic about where we are in the context of politics. So, ang 'Bilang' simply says kung bibilangin natin kung ilan tayo, ang sarap sabihin, 'Senador o congressman, we're 3.5 million…' Kasi ang estimate, base sa mga nababasa ko, we're about 10 percent of the population. We need an LGBT census and it's not gonna be easy. It's gonna cost a lot of money, take a lot of groundwork. It's that tantamount to outing? Hindi, doon lang sa mga gustong mapabilang. Kaya it's in that song: 'Kung gusto mo lang,'”

Bukod sa “Bilang,” maglalabas din si Boy ng iba pang mga kanta niya tuwing Biyernes ngayong June. Ang mga ito ay bubuo sa kanyang EP album na Say It Clear. Say It Loud, na titulo rin ng isa sa anim na kantang bahagi nito.

On songwriting

Samantala, aminado si Boy na bago sa kanya ang pagsusulat ng kanta.

“Hindi naman ako marunong sumulat,” sabi ng Fast Talk With Boy Abunda host.

“Marunong akong sumulat katulad n'yo, pero hind ng kanta. For a while, I was known to be a manager of singers, so pamilyar ako. Hindi ako marunong kumanta pero alam ko kung sharp o off key ang singer. But if you make me do it, I can't.

“I pride also the fact that I know how to do a repertoire of a concert, familiar ako sa mundong niyan. Ariel Rivera to Monique Wilson to Dessa to all the singers that I managed and represented. Pamilyar ako, pero hindi ako marunong sumulat.”

Pero ang kanyang adhikain daw ang nagtulak sa kanya na simulan ang bagong karera na ito, na nagsimula pa noong panahon ng pandemic.

Ang unang plano, ayon kay Boy, ay bumuo muna sana ng isang LGBT group. Pero dahil sa ilang mga pangyayari, hindi ito natutuloy.

Habang hinihintay itong mangyari, na-encourage daw si Boy na simulan na ang pagsusulat ng kanyang kaibigang si Jerwin Nicomedes, na kilalang voice coach.

Kuwento niya, “Sabi niya, 'Ikaw naman ang nakakaalam. You know the story. Why don't you start writing them?' Sabi ko, oo, makakasulat ako ng kuwento, isusulat ko lang na parang poetry siguro, pero hindi ko alam kung rhyme is necessary or the count… I don't know. Honestly, I had no experience in writing songs.

“I started to write… Ang [music] composers namin dito ay mga bagets, sina Joshua Ronett Castaneda, Gabriel Umali. Ang gagawin namin, magsusulat ako, ibibigay ko sa kanila. Kapag kulang ng syllables, sasabihin nila, 'Tito Boy, kulang ng dalawang words.' Ibabalik sa akin, dadagdagan ko. Kapag sobrang ng linya, babawasan ko.

“May ganung proseso. Matagal ng kaunti pero kaya pala kahit hindi ko alam. Ang importante, mailabas ko yung mensahe. Sulat lang ako nang sulat nang sulat, nakabuo ako ng about 21 songs.”

Dahil sa karanasang ito, na-realize daw ni Boy, “Minsan pala just jumping from the edge really works. Then, what happened was we started recording.”

Sa huli, muling diniin ni Boy na ang kanyang mga sinulat na kanta ay kanyang ambag sa matagal nang isinusulong ng LGBTQIA+ community.

“I am doing this for the young generation of gays and lesbians na ayokong isang araw sabihin nila, 'Si Tito Boy, walang ginawa.' Nakakatakot, not that I am demeaning the little contributions I have done as an advocate.”

Samantala, kilalanin pa si Boy Abunda sa gallery na ito:


Boy Abunda 
Family 
Humble beginnings
How it started 
King of Talk
Education
Teacher 
Author 
Loving Son
Bong Quintana
Relationship 
Proud LGBT member 
Content Creator 
Led back home 

Around GMA

Around GMA

Ano ang malagim na sinapit ng lalaking kumukuha ng bola ng pickleball? | GMA Integrated Newsfeed
Local budget airline announces Manila-Riyadh routes
GMA Pinoy TV Lights Up at the GMA Network Center with a Billboard That Spreads Joy: 'Home for the Holidays!'