GMA Logo Dennis Trillo and Jennylyn Mercado
Celebrity Life

Boy or Girl? Dennis Trillo teases gender reveal party

By Jimboy Napoles
Published November 22, 2021 6:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rachel McAdams is honored with a star on Hollywood's Walk of Fame
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Dennis Trillo and Jennylyn Mercado


Mga Kapuso, ano sa tingin n'yo ang kasarian ng ipinagbubuntis ni Jennylyn Mercado?

Sunud-sunod ang mga sorpresa ng Kapuso couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo nitong mga nakalipas na araw.

Una, inanunsiyo nila sa 24 Oras ang pagbubuntis ni Jennylyn na sinundan naman ng kanilang naging intimate wedding ceremony. Ngayon, mukhang idinaos na rin nina Dennis at Jennylyn ang isang gender reveal party.

Sa recent Instagram post ni Dennis, makikita ang larawan ng isang cake na may cake topper na "Boy or Girl" at nilagyan pa ito ng caption ni Dennis na "Ano sa tingin niyo, Boy or Girl?"

Nakihula naman ang ilang kaibigan sa showbiz ng DenJen sa comment section ng IG post ni Dennis, tulad nina JC Tiuseco at showbiz correspondent na si Aubrey Carampel.

source dennistrillo Instagram

Samantala, masaya rin si Dennis sa naging mainit na pagtanggap ng Kapuso viewers sa kaniyang pinagbidahang Kapuso serye na Legal Wives kasama sina Andrea Torres, Alice Dixson, at Bianca Umali. Tigil-taping naman si Jennylyn para sa Love.Die.Repeat. upang makapagpahinga muna habang siya ay nagbubuntis.

Silipin naman sa gallery na ito ang ilang mga nakakakilig na larawan nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.