GMA Logo ogie alcasid on bubble gang
What's on TV

Boy Pick-Up makes a triumphant return on 'BG30' concert special

Published October 20, 2025 10:17 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Tuba, Benguet police chief relieved from post due to lapses in Cabral probe —PNP
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

ogie alcasid on bubble gang


Nakisaya sina Boy Pick-Up (Ogie Alcasid) at Neneng B. (Sam Pinto) first-part ng 30th anniversary special ng 'Bubble Gang.'

Dalawang beloved Bubble Gang characters ang nagbalik sa first-part ng BG30: Batang Bubble Ako Concert, na ipinalabas nitong Linggo, October 19.

Aliw na aliw ang mga certified Batang Bubble at netizens sa mga pick-up lines ni Boy Pick-Up, Bubble Gang pioneer and OPM icon Ogie Alcasid.

Napanood din sa anniversary special si Sam Pinto na gumanap uli bilang si Neneng B. (Sam Pinto)

Related gallery: 'BBLGANG' celebrates 30 years with star-studded concert

Bumida rin sa "Boy Pick-Up" sketch sina MC PAO (Paolo Contis), AWIT (Kokoy de Santos), SKRRT (EA Guzman), ANA B (Analyn Barro), at si BBB or Big Boy Back-Up (Matt Lozano).

Sunod-sunod naman ang post ng fans na tuwang-tuwa sa pagbabalik nina Ogie at Sam sa Bubble Gang stage.

IAT: Boy Pick-Up returns xx Source: Bubble Gang 30th anniversary xx Source: GMA Network & Bubble Gang social media pages

Naunang sinabi na ni Ogie sa isang panayam ng "Chika Minute" na happy siya na nakasama siya sa milestone na ito ng Pambansang Comedy show.

“Unang-una happy anniversary sa Bubble Gang. Thirty years! Grabe!”

“Bibilangin mo 30 years ang hirap nga bilangin nun sa dalire e, para bilangin mo pa 'yung number of years na namamayagpag 'yung Bubble Gang. Nakakatuwa, so blessed that I'm here today na makisaya at maki-enjoy sa mga co-actors natin dito sa Bubble Gang.”

Let' chew it at mag-relax, mga Batang Bubble at nood na ng second-part ng grand 30th anniversary concert sa October 26, 6:10 p.m., pagkatapos ng 24 Oras Weekend.

Related gallery: 'Prime stars featured on 'Bubble Gang''s 30th anniversary special