What's on TV

Boy2 Quizon, ibinahagi kung ano ang epekto ng new normal sa showbiz

By Maine Aquino
Published November 30, 2025 8:01 AM PHT
Updated August 13, 2020 7:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rob Reiner’s son arrested on homicide charges after filmmaker, wife found dead
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Boy2 Quizon


Para kay Boy2 Quizon, kailangan ng lahat na mag-adapt at mag-explore ngayong may new normal na sa showbiz.

Ikinuwento ni Boy2 Quizon kung ano ang nakikita niyang mangyayari sa showbiz ngayong may new normal.

Saad nito sa Just In nitong August 12, "Para sa akin dapat mag-adapt tayo sa new normal na 'to. I think kailangan nating buksan ang isip natin, hindi kasi puwedeng tumambay na lang tayo or mag-worry."

Ayon kay Boy2, ito ang pagkakataon na sumubok ng iba't ibang paraan tulad ng paggawa ng digital content.


"It's better for us to explore new things and 'yung digital is very very important."

Inilahad rin ng aktor na malaking bagay na maaga silang nagsimula sa YouTube ng kanilang grupong P.A.R.D. Kasama niya sa grupong ito sina Paolo Contis, Antonio Aquitania, Sef Cadayona, RJ Padilla, at Roadfill Obeso.

"Noong time na ginagawa natin yung P.A.R.D. noong 2015, kung iisipin mo malaking bagay na rin pala na nakapag-start tayo sa YouTube 'no? Noong time na 'yun imaginin ninyo kung wala pa rin tayong page, wala tayong pinanggagalingan."

Saad pa ni Boy2, ikinagulat niya rin na mayroong nanonood sa kanilang videos ngayon.

"Mayroon lang tayong four or five music videos na nagawa pero kita niyo naman kahit papaano noong bumalik tayo ulit, apparently may nanonood pala."

Masaya rin umano si Boy2 dahil nakaka-entertain sila ng mga tao sa P.A.R.D.

"Ang sarap ng pakiramdam na parang lahat tayo na-realize natin kung ano ang mga gusto nating gawin. 'Yung intention natin is very pure, it's only for entertainment. Hopefully magtuloy tuloy."