GMA Logo David Rainey and Glaiza de Castro
Celebrity Life

Boyfriend ni Glaiza De Castro na si David Rainey, nag-aaral magsalita ng Filipino

By Aaron Brennt Eusebio
Published August 20, 2020 4:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: January 1, 2026
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

David Rainey and Glaiza de Castro


Hinamon ni Glaiza De Castro ang kanyang Irish boyfriend na si David Rainey kung alam niya ang ibig sabihin ng iba't ibang salitang Filipino.

Dahil nagdiriwang ang Pilipinas ng 'Buwan ng Wika' ngayong Agosto, hinamon ni Glaiza De Castro ang kanyang Irish boyfriend na si David Rainey kung kaya niyang i-translate ang ilang salitang Filipino tulad ng 'Guro,' 'Takdang Aralin,' at 'Paaralan.'

Sa kanyang vlog, kinuwento ni Glaiza na nag-aaral si David ng mga salitang Filipino.

Aniya, “Isang malugod na pagbati at maraming-maraming salamat po sa pagbisita niya sa aking YouTube channel.”

“Kung hindi niyo po natatanong, ang Agosto ay pagdiriwang ng Buwan ng Wika kaya naman po ay may inihandog po ako para sa inyo.

“Makakasama po natin ang isang taong espesyal sa akin at natutuwa akong malaman na siya ay nag-aaral ng salitang Filipino at naiibigan na niya rin ang kultura natin.

“Kaya naman susubukan kong suriin kung anu-ano na 'yung mga natutunan niya.”

David Rainey and Glaiza de Castro

Sinubukan ni Glaiza de Castro ang galing sa Filipino ng kanyang Irish boyfriend na si David Rainey. / Source: glaizaredux (IG)

Bukod sa mga salita, pinasabi rin ni Glaiza kay David ang ilan sa mga sikat na Filipino tongue twisters, o pamilipit-dila tulad ng 'Minekanino ni Moniko ang makina ng manika ni Monika,' at 'Pinaputi ni Tepiterio ang pitong puting putong patong patong.'

Masabi kaya ni David ang mga ito? Panoorin ang latest vlog ni Glaiza:

IN PHOTOS: Glaiza De Castro and David Rainey's cutest photos


IN PHOTOS: Celebrities in long-distance relationship