GMA Logo Geum Jan-di and Gu Jun-pyo
What's Hot

Boys Over Flowers: Jan-di is Jun-pyo's personal maid

By Dianara Alegre
Published April 6, 2021 5:57 PM PHT
Updated April 7, 2021 10:35 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Driver dies after truck falls into ravine in Sarangani
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Geum Jan-di and Gu Jun-pyo


Hanggang kailan papabor kina Gu Jun-pyo at Geum Jan-di ang kapalaran?

Dahil kailangang maghanap-buhay ay nawalay si Geum Jan-di at kapatid nitong si Geum Kang-san sa kanilang mga magulang.

Namuhay nang sila lamang dalawa ang magkapatid sa Seoul, habang nagpunta naman sa probinsiya ang kanilang mga magulang.

Mahirap ang buhay para sa kanila, pero pilit naman silang nagpapakatatag para na rin sa isa't isa.

Ngunit 'tila hindi nauubos ang kamalasan nila nang walang sabi-sabi ay na-demolish ang gusali na kanilang tinitirhan.

Dahil biglaan ang mga pangyayari, ang teorya ni Jan-di ay si Kang Hee-soo, ang ina ni Gu Jun-pyo, ang may pakana ng lahat. Nalaman kasi nitong bumibisita pa rin si Jun-pyo, pati na ang iba pang miyembro ng F4, sa maliit na apartment nina Jan-di.

Matatandaang tutol sa relasyon noon nina Jan-di at Jun-pyo si Hee-soo. Marami na itong ginawang hakbang para paghiwalayin ang dalawa, kabilang na ang pagsasaayos ng kasal ni Jun-pyo at ni Ha Jae-kyung.

Geum Jan di at Gu Jun pyo

Dahil sa demolition, nagpasya si Jan-di na pasunuruin si Kang-san sa kanilang mga magulang sa probinsiya dahil wala na silang matitirhan. Walang pera si Jan-di at wala siyang alam na lugar kung saan pwedeng magpalipas ng gabi kaya nagpalaboy-laboy siya.

Pero maraming sumusuporta kay Jan-di kabilang na ang nakatatandang kapatid na babae ni Jun-pyo, si Gu Jun-hee. Kinupkop niya si Jan-di sa mansion nila at handa niya itong tulungan.

Ngunit dahil likas na mabait si Jan-di, minabuti niyang magtrabaho sa mansion bilang kasambahay bilang pagtanaw ng utang na loob. Gusto rin niyang pagtrabahuhan ang pagtira niya roon.

Opisyal nang naging kasambahay sa mansion nina Jun-pyo si Jan-di at itinalaga pa siyang personal maid nito.

Hindi naman tutol dito si Jun-pyo dahil mas napalapit sa kanya ang dalaga. Kahit pa personal maid niya ito, ang babaeng pinakamamahal niya pa rin ang turing niya sa kanya.

Sa katunayan, mas gusto niyang pagsilbihan si Jan-di kaysa siya ang pagsilbihan nito.

Geum Jan di at Gu Jun pyo

Pero hanggang kailan papabor sa kanila ang kapalaran?

Subaybayan ang Boys Over Flowers mula Lunes hanggang Biyernes, 10:55 ng gabi, sa GTV!

Samantala, mas kilalanin ang cast ng Boys Over Flowers sa gallery na ito: