
Unti-unti nang gumagawa ng mga hakbang si Gu Jun-pyo para manumbalik ang pagtingin sa kanya ni Geum Jan-di.
Hindi na lamang para sa dalaga ang ginagawa niyang efforts dahil pati ang kapatid ni Jan-di na si Geum Kang-san ay hinandugan din ni Jun-pyo ng iba't ibang sorpresa.
Alam ni Jun-pyo na hindi madaling muling maibalik sa dati ang samahan nila ni Jan-di na humarap na sa iba't ibang pagsubok.
Kabilang na sa mga pagsubok na pinagdaraanan nila ay ang pagdating ni Ha Jae-kyung sa buhay ng binata, ang inilaang fiancée ng nanay niya para sa kanya.
Tutol dito si Jun-pyo pero hindi si Ha Jae-kyung dahil nahulog na rin ang loob nito para sa una. Nilinaw sa kanya ni Jun-pyo na hindi niya ito mamahalin dahil may ibang babaeng nagpapatibok ng puso niya.
Gayunman, naniniwala pa rin si Jae-kyung na balang-araw ay mapapaibig niya rin ang binata. Mabait si Jae-kyung, palakaibigan, at magkasundo sila ni Jan-di. May mga similarities din sila ni Jan-di pagdating sa pag-uugali.
Buo naman ang loob ni Jun-pyo na panindigan ang nararamdaman niya kay Jan-di kahit pa tutol ang nanay niya rito.
Muli rin niyang ipinaalala kay Jan-di ang dati nilang pangako sa isa't isa - walang bibitaw sa relasyon kahit ano pa'ng mangyari.
Ikinadismaya ni Jun-pyo ang sagot ni Jan-di nang muli niyang sabihin ito sa dalaga. Anang dalaga, ang magkaiba na ang Jan-di na nangako noon sa kanya at ang Jan-di na kaharap niya.
Marahil ay napagod na rin ang dalaga sa paulit-ulit na problemang dala ng relasyon nila kaya ayaw na niyang bigyan pa ito ng atensyon.
Kahit na ganoon, hindi maitatanggi ni Jan-di na may pagtingin pa rin siya sa dating nobyo.
Desidido naman si Jun-pyo na ipagpatuloy ang pagsuyo kay Jan-di dahil wala ang salitang pagsuko sa bokabularyo niya.
Subaybayan ang Boys Over Flowers mula Lunes hanggang Biyernes, 8:45 ng gabi, sa GTV!
Samantala, mas kilalanin ang cast ng Boys Over Flowers sa gallery na ito: