GMA Logo boys over flowers
What's Hot

Boys Over Flowers: The heart never forgets

By Dianara Alegre
Published April 29, 2021 2:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Driver dies after truck falls into ravine in Sarangani
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

boys over flowers


Kahit nalimutan ng isipan ay hindi nawala sa puso ni Jun-pyo si Jan-di.

Dahil sa aksidenteng kinangkutan niya, nagkaroon ng partial memory loss si Gun Jun-pyo at kasama sa mga nalimutan ang lahat ng bagay na magpapaalala sa kanya kay Geum Jan-di.

Gayunman, hindi nawalan ng pag-asa ang dalaga na balang-araw ay maaalala siya ng boyfriend niya kaya palagi pa rin siyang nasa tabi nito kahit pa pinagtatabuyan na siya ng binata.

Source: GMA The Heart of Asia (Facebook)

Habang nagpapagaling sa ospital ay nakilala ni Jun-pyo si Yumi (Kim Min-ji), ang bubbly at charming na babae na nakapalagayan niya ng loob.

Dahil sa araw-araw na pagkikita nila at pag-uusap ay nahulog na rin ang loob ni Yumi kay Jun-pyo, bagay na hindi naman pinigilan ng huli.

Kahit masakit para kay Jan-di, tinanggap niya ito. Hindi naman makapapayag ang iba pang miyembro ng F4, lalo na si Yoon Ji-hoo, sa sitwasyon dahil sa lahat ng mga pinagdaanan nila para lamang maprotektahan ang relasyon nina Jan-di at Jun-pyo.

Source: GMA The Heart of Asia (Facebook)

Ngunit totoo talaga ang kasabihan na kahit na malimutan ng isipan ay hindi malilimutan ng puso kung sino ang tunay na minamahal nito.

Sa huling episode ng Boys Over Flowers, naghanda ng party sina Jun-pyo at Yumi para sa anunsiyo nila na mangibang bansa, si Jun-pyo para muling patakbuhin ang Shinhwa Group at si Yumi naman para ipagpatuloy ang pag-aaral nito.

Imbitado rito ang lahat ng malalapit nilang kaibigan kabilang na si Jan-di. Ikinagulat nila ang anunsiyong ito at 'tila nawalan na rin ng pag-asa si Jan-di na muli siyang maaalala ng kanyang nobyo.

Para tuldukan na ang kanilang paghihirap, nagpasya si Jan-di na kausapin si Jun-pyo sa huling pagkakataon. Muli, ipinaalala niya ang mga bagay na nalimutan ni Jun-pyo tulad ng pag-aaral nitong lumangoy para sa kanya.

Noong una ay hindi pa maunawaan ng binata ang mga sinasabi ni Jan-di hanggang sa boluntaryo itong tumalon sa pool at magpakalunod.

Alam ni Jan-di na natutong lumangoy si Jun-pyo para sa kapakanan niya at umaasa siyang sa pamamagitan ng hakbang na ito ay biglang magbabalik sa isipan ni Jun-pyo ang lahat ng naging sakripisyo niya para sa kanya.

Hindi nga nagkamali si Jan-di dahil biglang bumuhos ang mga emosyon at alaala ng binata nang malagay sa panganib ang kanyang buhay. Tumalon sa pool si Jun-pyo at tulad ng dati, iniligtas niya si Jan-di.

Source: GMA The Heart of Asia (Facebook)

Tunay ngang wala nang mas hihigit pa sa pag-ibig dahil kahit anong pagsubok ay kayang lagpasan basta ang manaig ay pagmamahal.