
Kinaaliwan ng manonood at agad na nag-trending online ang hugot na hugot na mga linyahan nina Ashley Rivera at Enrique Gil sa kanilang breakup scene sa pelikulang I Am Not Big Bird.
Noong May 24, ipinost ng Netflix ang "aliw" na break up scene nina Cathy (Ashley) at Luis (Enrique) na agad na umani ng milyon-milyong views sa Facebook.
Sa nasabing eksena, nauwi sa break up ang surprise wedding proposal ni Luis kay Cathy. Pakiramdam ni Cathy ay paulit-ulit na lamang at wala nang bago sa limang taon nilang relasyon--mula sa paborito nitong steak, dinner date sa condo ni Luis, hanggang sa pagiging "predictable" ng nobyo.
Biro ng isang netizen, "Omg, so sorry for my predictability and for being respectful babe. Bye."
"Nakakatawa naman 'to movie na 'to. Tawa ko talaga sa babae," komento pa ng isang Facebook user.
"Bihira na lang may lalaking ganyan," opinyon ng isang netizen.
"Honestly, this was like a breath of fresh air for me. I truly enjoyed the story and the acting is really good. I know the main actresses from the soap operas I used to watch some years ago," ang nasabi sa pelikula ng isang manonood.
Ang I Am Not Big Bird ang comeback movie ni Enrique Gil kasama sina Pepe Herrera, Nikko Natividad, at Red Ollero. Napanood ang pelikula sa mga sinehan noong February at available na rin ngayon sa Netflix.
SAMANTALA, TINGNAN ANG ILAN SA WITTY POSTS NI ASHLEY RIVERA DITO: