
Sinalubong ng buong Araneta City ang holiday season sa kanilang annual lighting event ng kanilang Giant Christmas tree na may pamagat na “Christmas Glows in the City”.
Kasama sa mga nagpailaw ng Giant Christmas tree ang PBB Celebrity Collab Edition Big Winners, Mika Salamanca at Brent Manalo, o mas kilala bilang 'BreKa'.
Source: nikkxxi (X)
Dumalo rin ang ilang mga artists sa nasabing event na ito, katulad nina 'It's Showtime' host, Vice Ganda; Joshua Garcia, at ang P-Pop group na BGYO.
Nasa event din ang kapwa housemates ng 'BreKa' na sina Bianca de Vera at ang 'Nation's Mowm', Klarisse de Guzman.
Bukod sa mga Christmas lights, nagliwanag din sa event na ito sina Mika at Brent sa kanilang nakakakilig na duet performance ng song na “Ikaw Lang Ang Aking Mahal”.
Source: Araneta City (Facebook)
Napuno rin ng kilig ang Araneta sa mga nakakakilig at makukulit na sagutan ng BreKa sa mga tanong sa kanila.
Sa umpisa ng kanilang act, tinanong si Mika kung ano ang wish niya ngayong Pasko, masaya namang tumugon ang Kapuso actress na: “Natupad na. Nandito na! May specific akong mahal!”. Sabay pasok naman ng kanyang ka-duo na si Brent.
Matapos ang performance ng dalawa, tinanong naman ng hosts si Brent kung ano ang 'Christmas Glow” para sa kanya. Tumugon naman si Brent at ang sabi: “Christmas glow for me is 'yung makita 'yung ngiti ng mahal mo sa buhay”, sabay tingin kay Mika.
Source: nikkxxi (X)
Matapos ang kanilang stint at pagkapanalo sa PBB Celebrity Collab Edition, patuloy na ang pagtatrabaho together. Ang event na ito ay simula pa lang ng pagpapakilig nila ngayong Pasko dahil sa darating na Metro Manila Film Festival 2025, kasama ang dalawa sa pelikulang “Call Me Mother” na pinagbibidahan naman nina Vice Ganda at Nadine Lustre.
Related Gallery: BreKa Big Winner Sa PBB Celebrity Collab Edition