GMA Logo brent manalo and mika salamanca
Courtesy: Gerlyn Mariano
What's Hot

Brent Manalo at Mika Salamanca, mas naging close dahil sa acting workshop

By EJ Chua
Published September 5, 2025 11:25 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Police: 3 cops shot at Negros Oriental bar came with suspect
Cambodian, South Korean police arrest 26 for alleged scams, sex crimes, Blue House says
Farm to Table: (January 11, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

brent manalo and mika salamanca


Grateful ang Big Winner Duo na BreKa sa workshop nila sa Sparkle kasama ang acting coach na si Ana Feleo.

Ngayong nasa outside world na, tila mas lumalalim ang samahan at koneksyon ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition Big Winner Duo na sina Brent Manalo at Mika Salamanca.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa kina Brent Manalo and Mika Salamanca, o mas kilala bilang BreKa, ibinahagi nilang malaki ang naitulong sa kanila ng naging workshop nila sa Sparkle kasama ang acting coach na si Ana Feleo.

Ibinida ni Brent sa interview na mas naging close umano sila ni Mika dahil sa acting workshop.

Ayon sa Star Magic artist, “Ang masasabi ko, we [ako and si Mika] got closer because of that workshop. Doon sa four months naming sa loob ng Bahay [ni Kuya], mayroon pala kaming mas malalaman pa.”

Pahayag naman ng Sparkle star na si Mika, “Mas may ilalabas pa pala kami na mga emotional na ipapakita ganyan.”

Related gallery: Bonding moments ng PBB Celebrity Collab Edition housemates sa outside world

Sa isang hiwalay na panayam, ibinahagi ng BreKa na grateful silang nakatrabaho nila sa workshop ang acting coach na si Ana Feleo.

Bago pa ito, inilahad ni Ana sa isang social media post na labis siyang bumilib sa ipinakitang husay nina Mika at Brent at ang pagiging totoo nila sa isa't isa.

Ang purpose ng workshop ay para mas maging handa ang sina Brent at Mika sa kanilang upcoming projects together.

Samantala, spotted ang ex-housemates na sina Brent at Mika sa katatapos lang na Preview Ball 2025.

Ang BreKa ay final duo sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition at itinuturing nila ngayon ang isa't isa bilang forever duo at best friends.