GMA Logo Brent Manalo
Source: It’s Showtime
What's on TV

Brent Manalo, may emosyonal na hugot sa 'It's Showtime'

By Mark Joseph F. Carreon
Published August 23, 2026 1:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Strong 6.7-magnitude quake strikes southern Peru — USGS
Man lands in hospital after fire razes home in Bacolod
Otherworld Festival Manila is happening this November

Article Inside Page


Showbiz News

Brent Manalo


May isang hugot message ang nais iparating ni Brent Manalo!

Lakas-loob na naghatid ang PBB Celebrity Collab Edition Big Winner na si Brent Manalo ng isang emosyonal at may hugot na mensahe sa kaniyang creative introduction sa noontime variety show na It's Showtime.

Sa naturang programa, naging trend ngayon ang “Attendance Check” segment kung saan nagpapakilala ang mga host sa malikhain at makulit na paraan. Sa mga nagdaang episode, nagpakilala sila gamit ang kanilang love status at ang acronyms ng mga ahensya sa Pilipinas.

Ngunit naging emosyonal ang entablado ng programa noong Sabado, August 22, matapos magpakawala ng malalalim na “hugot” ang mga host sa kanilang pang-araw-araw na malikhaing pagpapakilala sa “madlang people.”

Isa-isang tinawag ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang kaniyang co-hosts para sa panimula na may temang “Shout Out to My Ex.”

Tila naging seryoso at maramdamin ang mensahe ni Brent sa kaniyang tinawag na “dating Big Winner.”

Sa kabila raw ng mga pinagdaanan, handa raw niyang harapin ang kinabukasan nang mag-isa at may ngiti sa labi.

“To my ex, sa aking dating Big Winner, do you remember the time I tried to be better? Nagulat na lang ako nang biglang naging cold ang weather,” ani Brent.

“Kaya ako ngayon, ngingiti na lang at alone sa next chapter,” dagdag pa ng aktor.

Sa kabilang banda, may pabiro namang banat si Jackie Gonzaga sa kaniyang ex: “To my ex, I cried a river. Nawala ang inaasahang forever. Pero para makamove-on, sumayaw na lang ng Water.”

Hindi naman nakatakas ang Kapamilya actress na si Kim Chiu sa pagshout-out sa kaniyang ex at matapang na sinabi: “Hindi kita pinagsisihan pero hindi na kita babalikan dahil may mga ala-alang dapat maging ala-ala na lang. Salamat.”

Samantala, hindi rin napigilang maluha ng host na si Ryan Bang nang magbalik-tanaw sa kaniyang nakaraang pag-ibig na hindi pinalad sa huli.

“Ako'y may dating kasintahan at dati kaming nagmamahalan pero 'di pumayag ang tadhana kaya 'di kami natuloy sa dambana,” sabi ni Ryan.

Patuloy na panoorin ang noontime variety show na It's Showtime, tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 p.m. sa GMA and Kapuso Stream!

Related Gallery: Meet Kapamilya's 'PBB Celebrity Collab' big winner Brent Manalo