
Si Brent Valdez na kaka-break lang three months ago sa ex-girlfriend ang kiligspector na napanood sa "Love Under Cover" ng TiktoClock.
Ayon kay Brent, sila ay "hindi nagkaintindihan." Ito ang dahilan kaya raw nauwi sila sa hiwalayan ng kaniyang dating karelasyon. Saad pa ni Brent, isang taon din silang naging magkarelasyon ng kaniyang ex.
Sa kaniyang pagsabak sa "Love Under Cover" ay ikinuwento ni Brent kung bakit mahalaga na ipakita ng mga Cover Girls ang kanilang mga personality.
"Maging authentic lang kayo. Magsa-shine kayo kapag ipinakita ninyo ang tunay na kayo."
Sa huli ay napili ni Brent ang ikaapat na Cover Girl na si Isabel Dawson. Balikan ang nakakakilig na episode ng "Love Under Cover" dito:
RELATED GALLERY: IN PHOTOS: Get to know singer-actor Brent Valdez
Sa mga nais na maka-date ang inyong mga celebrity crush tulad ni Brent, sali na sa "Love Under Cover" sa TiktoClock. Panoorin ito para sa kabuuang detalye.
Patuloy na subaybayan ang happy time at bigayan ng blessings sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes 11:00 am sa GMA Network.