
Mapapanood na sa GMA ang Korean fantasy series Bride of the Water God, na pinagbibidahan ng Hallyu actor na si Nam Joo-hyuk at Shin Se-kyung, ngayong Lunes, July 24
Sa Bride of the Water God, makikilala si Nam Joo-hyuk bilang ang water god na si Habaek, na pumunta sa mundo ng mga tao para hanapin ang sagradong mga bato na makatutulong sa kanya para maging hari ng kapwa niya diyos.
Binibigyang-buhay naman ni Shin Se-kyung ang psychiatrist na si Lara, ang tanging natitira sa angkang nakatadhang maglingkod kay Habaek. Kakailanganin ni Habaek ang tulong ni Lara matapos na mawala ang abilidad at kapangyarihan nito bilang isang diyos sa pagdating sa mundo ng mga tao.
Pero matulungan kaya siya ni Lara sa paghahanap sa sagradong mga bato, gayong hindi naniniwala sa kanya ang huli na isa siyang diyos at napagkamalang may sakit sa pag-iisip? Magtagumpay kaya si Habaek sa kanyang misyon?
Makakasama rin nina Nam Joo-hyuk at Shin Se-kyung sa kanilang adventure sina Krystal Jung bilang Moora, Gong Myung bilang Biryeom, at Lim Ju-hwan bilang Henry.
Abangan ang Bride of the Water God, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 p.m. sa GMA.
KILALANIN ANG CAST NG BRIDE OF THE WATER GOD SA GALLERY NA ITO: