GMA Logo Bruce Roeland and Miguel Tanfelix in Mga Batang Riles
What's on TV

Bruce Roeland, pangarap lang noon na makatrabaho si Miguel Tanfelix?

By Aaron Brennt Eusebio
Published December 26, 2024 3:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Actor McConaughey seeks to patent image to protect from AI
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Bruce Roeland and Miguel Tanfelix in Mga Batang Riles


Abangan ang unang pagkakataon na magkakasama nina Miguel Tanfelix at Bruce Roeland sa 'Mga Batang Riles,' aarangkada na sa GMA Prime sa January 6.

Mahigit limang taon na ang nakakalipas nang banggitin ng aktor na si Bruce Roeland sa mga kasamahan niya sa dating variety show na Sunday Pinasaya na si Miguel Tanfelix na gusto niya itong makatrabaho sa isang serye.

Ngayon ay magkakatotooo na ang pangarap lang ni Bruce Roeland noon dahil bibida silang dalawa ni Miguel Tanfelix sa upcoming GMA Prime drama-action series na Mga Batang Riles na mapapanood na simula January 6.

"Nung binigay sa akin 'yung role na 'to, sobrang blessed rin," saad ni Bruce. Pagbabalik-tanaw niya, "This was Sunday Pinasaya, and magkakasama kami ni Miguel dito sa stage, this was four years ago, five years ago."

"Bigla kong sinabihan si Miguel, kasi sobrang mahiyain ko dati, nilapitan ko si Miguel, and I told him na, 'Alam mo idol talaga kita. Feeling ko you're gonna be a bigger star. Sana maka-work kita soon.'

"Now to be part on a show with Miguel and all these stars, [with] wonderful directors, this is such a dream come true."

Sa huli, hindi na rin makapaghintay si Bruce na mapanood ng mga manonood ang Mga Batang Riles na talagang pinagpaguran nilang gawin.

"I can't wait na makita ng mga tao 'yung show na 'to. It's star-studded, it's full of action-drama, and it's gonna be relatable to everyone. [I'm] super blessed, super blessed."

Bukod kina Bruce at Miguel, bibida rin sa Mga Batang Riles sina Kokoy de Santos, Raheel Bhyria, at Antonio Vinzon. Kasama rin sa Mga Batang Riles sina Ronnie Ricketts, Diana Zubiri, Roderick Paulate, Jay Manalo, Jeric Raval, Desiree Del Valle, at Ms. Eva Darren.

Parte din ng Mga Batang Riles sina Zephanie, Dave Bornea, Faye Lorenzo, Migs Villasis, Miggy Tolentino, Seb Pajarillo, Krissha Viaje, Jomar Yee, at Spencer Serafica.

Abangan ang world-premiere ng Mga Batang Riles, aarangkada na sa January 6, 8:00 p.m. sa GMA Prime.