
Matapang ibinahagi ng Mga Batang Riles stars na sina Bruce Roeland, Raheel Bhyria, at Antonio Vinzon ang kanilang mga personal na kuwento sa afternoon show na Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes (January 10).
Isa sa mga ibinunyag ng Kapuso heartthrobs ang kanilang insecurities na nabuo sa kani-kanilang hindi magagandang childhood experiences.
Unang umamin si Raheel na marami raw siyang insecurities sa kanyang itsura noong bata pa lamang siya.
"Growing up kasi hindi talaga ako confident and siguro the way I look, itsura ko ganoon," sabi ni Raheel. "Siguro base sa experience growing up. Baka may root cause hindi naman ka basta-basta lang maging ganoon. Pero nabi-build naman iyan. More confident na ako."
Para naman kay Bruce, ang kanyang mga braso ang biggest insecurities niya. Marami raw kasi siyang natanggap na mga komento kung gaano kapayat ang mga braso noon.
Aniya, "It's always and always be my arms. Parang na-trauma ako before kasi sobrang payat ko and everything single day may mga taong nagsasabi na para kang skeleton, hindi ka kumakain. Tumatak sa utak ko. Kahit ngayon I feel confident, I always like I touch it just to make sure it's okay."
Marami ang nagulat, pati si Tito Boy, nang inamin kung gaano katindi ang bullying na naranasan noon ni Antonio dahil sa kanyang overweight figure.
"Noong bata po ako, sobrang tabain po talaga ako dati. Grabe po 'yung discrimination. I get bullied every day for a couple of years na po. Tinatawag akong, 'Baboy, puka fish bumalik ka sa nanay mo.' Kaya nawawala po ako ng confidence at parang sometimes I want to quit na sa school dahil sa bullying. Sinusuntok ako every day ng mga hindi ko kilala," malungkot pahayag ni Antonio.
Dahil sa matinding bullying, pinilit niyang hindi kumain ng maayos sa loob ng dalawang buwan para lang pumayat. Nagulat na lang ang kanyang mga magulang nang biglang nawalan siya ng 20 pounds.
Supportive sina Raheel at Bryce nang inamin din ni Antonio na ito ang unang beses na naikwento niya ang kanyang childhood trauma sa kahit sino.
Sa huli, masaya ang tatlong stars ngayon sa kanilang buhay. Pursigido rin sila na mas alagaan ang kanilang mga sarili at patibayin ang kanilang confidence.
Mapapanood ang tatlo sa GMA Prime series na Mga Batang Riles, gabi-gabi simula 8 p.m.
RELATED GALLERY: Bruce Roeland, Antonio Vinzon, at Raheel Bhyria, sumabak sa isang compliment battle!