GMA Logo bubble gang
Source: GMA Network
What's on TV

'Bubble Gang' anniversary special Part 1, humataw sa TV ratings!

By Aedrianne Acar
Published November 21, 2023 12:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ada speeds up slightly as it moves away from PH
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

bubble gang


Maraming-maraming salamat sa inyong suporta, mga Ka-Bubble!

'Chew'-per ang suporta ng mga manonood at Ka-Bubble sa unang part ng "Bente O-Chew" anniversary special ng Bubble Gang nitong November 19.

Nakapagtala ng mataas na ratings ang multi-awarded gag show base sa datos na nakalap ng NUTAM People Ratings na 9.8 percent kontra sa katapat nitong programa.

Bukod sa mga star-studded guest, na tampok sa grand 28th anniversary episode, ilang A-list celebrities rin ang nagpaabot ng mensahe sa lahat ng bumubuo ng Bubble Gang.

Sa isang video message, sinabi ng multi-awarded TV-movie actress na si Bea Alonzo na isang "instutusyon” na ang Bubble Gang.

Aniya, “Happy anniversary, Bubble Gang! Isa ako sa nasuwerteng nakapag-guest sa inyo diyan sa Bubble Gang. Institusyon na kayo, napakatagal n'yo na, and sana marami pa kayong tao mapasaya. I wish you all the best and sana mas magtagal pa ang inyong show. More power to you guys!”

May mensahe rin sina Happy ToGetHer star John Lloyd Cruz, Isko Moreno, Kylie Padilla, Senator Bong Revilla, Primetime Action Hero Ruru Madrid, at Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Nabitin ba kayo sa mga funny moments ng Bente O-Chew show nitong Linggo?

Na-miss n'yo ba ang eksena with Boy Abunda, Herlene Budol o ang jamming ni Lolo Kanor (Michael V.) with the OPM band Lola Amour?

Puwes, ulit-ulitin ang panonood ng special episode na ito ng Bubble Gang sa video below!

MEET THESE TALENTED KA-BUBBLE GRADUATES IN THESE GALLERIES: