
Big winner sa weekend primetime ang flagship gag show na Bubble Gang last Sunday, December 3.
Muling nakapagtala ang Ka-Bubble barkada ng mataas na TV ratings matapos makakuha ang longest-running gag show ng GMA-7 ng 9.0 percent kontra sa katapat nitong programa base sa datos ng NUTAM People Ratings.
Nitong weekend, may tanong ang isang yaya (Matt Lozano), kung paano mo sasabihin sa isang nanay na hindi cute ang kaniyang baby nang hindi ka nakaka-offend.
Gawin mo rin kaya ang isa sa mga nakakatawang scenario na ipinalabas sa Bubble Gang?
Balikan ang kulit sketch na “Hindi Cute si Baby” kung saan bida sina Chariz Solomon, Matt Lozano, Kokoy de Santos, EA Guzman, Diego, at Thea Tolentino sa video below.
Ang CUTE ng anak mo!
Heto pa ang ilang eksena na masarap ulit-ulitin na napanood sa Bubble Gang below.
Girlfriend mong paladesisyon sa buhay
Si kuya, ate sa gabi, Si tatay, beauconera noong araw?!
Kokoy de Santos at Buboy Villar, nag-lips to lips?!
Mag-ingat sa mga kumpareng manunulot!
For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit http://www.gmapinoytv.com.