
Humanda sa panibagong kulitan at kuwentuhan, kung saan ang "POV mo, panalo!" sa original game show na The People Have Spoken.
Ngayong Sabado, July 18, mas magiging exciting ang weekend nights kasama ang high-energy Kapuso tandem na sina Heart Evangelista at Sean Lucas.
Samahan sila sa papremyo at kuwentuhan kasama ang bagong celebrity pairs na susubukang pulsuhin ang boses ng People.
Abangan ang dynamic duo mula sa comedy show na Bubble Gang, na sina Chariz Solomon at Lovely Abella, o ang Team CHAGÂ.
Makakatapat naman nila ang competitive at powerhouse Sang'gre duo na sina Angel Guardian at Kelvin Miranda, o ang Team GELVIN.
More tawa, more saya rin ang magiging kuwentuhan ngayong Sabado sa pagdating ng panibagong celebri-peep pair!
Humanda sa fresh na kulitan at sari-saring opinyon mula kina beauty queen-advocate Joy Barcoma at stand-up comedian at podcast host James Caraan.
Sino kaya sa ating celebrity pairs ang may chance na manalo ng PhP200,000?
Abangan ang The People Have Spoken, tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa social media accounts ng GMA at YouLOL. Available din ang buong episode at mga highlight clip sa GMANetwork.com at YouLOL official accounts.
Samantala, tumutok sa The People Have Spoken para sa chance na manalo ng cash prize sa People Panalo Promo!
Para sa full mechanics, bisitahin ang page na ito: www.gmanetwork.com/TPHSPeoplePanaloPromo.
Balikan ang ilan sa mga unforgettable at iconic quotes mula sa The People Have Spoken hosts at celebri-peeps, dito:
embed: https://www.gmanetwork.com/entertainment/photos/pov-check-best-and-iconic-quotes-from-the-people-have-spoken/27486/