GMA Logo Heart Evangelista and Sean Lucas
Photo by: The People Have Spoken
What's on TV

Heart Evangelista at Sean Lucas, grateful sa mga sumusuporta sa 'The People Have Spoken'

By Kristine Kang
Published June 26, 2026 4:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'58th' scores major win at New Zealand's Doc Edge Festival
Chel Diokno submits counter affidavit on Manases Carpio's bank secrecy claim
Alex Eala marches to the 3rd round of Wimbledon

Article Inside Page


Showbiz News

Heart Evangelista and Sean Lucas


Excited na rin sina Heart Evangelista at Sean Lucas sa mga susunod na kwentuhan at papremyo sa 'The People Have Spoken.'

Patuloy ang good vibes tuwing Saturday nights sa bagong game show ng GMA Comedy na The People Have Spoken.

Simula sa thrilling pilot episode, solid na ang kuwentuhan at mga papremyo sa game show kung saan ang "POV mo, panalo!"

Handog din ang high-energy na hatid ng bagong witty at fun Kapuso tandem na sina Heart Evangelista at Sean Lucas.

Sa kanilang panayam sa 24 Oras, labis ang pasasalamat nina Heart at Sean sa mainit na suporta ng viewers sa game show.

Masaya sila na nag-e-enjoy ang fans sa kanilang nakakatuwang chemistry bilang hosts on television.

Kaya naman, dapat daw abangan ang mas masayang kuwentuhan at kulitan sa mga susunod na episode.

"More hot topics, more discussions and chikas," tease ni Heart.

"A lot of violent reactions, baka contoversial topics and anything under the sun," dagdag ni Sean.

Ngayong Sabado (June 27), panibagong kuwentuhan at tawanan ang handog ng The People Have Spoken.

Maghaharap ang Team JulieVer na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz at ang Team Kylex na binubuo nina Kyline Alcantara at Lexi Gonzales.

Makakasama rin ang fresh at opinionated celebri-peep duo na sina Janeena Chan at Tim Yap.

Subaybayan ang The People Have Spoken, tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa social media accounts ng GMA at YouLOL. Available rin ang buong episode at mga highlight clip sa GMANetwork.com at YouLOL official accounts.

Samantala, tumutok sa The People Have Spoken para sa chance na manalo ng cash prize sa People Panalo Promo!

Para sa full mechanics, bisitahin ang page na ito: www.gmanetwork.com/TPHSPeoplePanaloPromo.

Samantala, balikan ang fun pictorial nina Heart Evangelista at Sean Lucas sa gallery na ito: