
Mabubudol kayo ng mga patok na gags at sketches ng award-winning gag show na Bubble Gang ngayong Biyernes ng gabi, May 26.
Tiyak mas sulit ang pahinga before the weekend kapag napanood n'yo ang parody ng patok na segment ng Eat Bulaga na Budol Bahay Gang.
Wala rin patid ang unli-tawanan sa mga sketches tulad ng "Ngetflix", "Soaperman",
"Apiriotitis" at "Dramakata".
Sulit ang tumambay this Friday night sa best episode na hatid nina Michael V. at buong Kababol barkada sa Bubble Gang sa oras na 9:40 p.m. this coming May 26.
Puwede n'yo rin mapanood ang kulitan sa flagship Kapuso gag show sa Pinoy Hits sa Channel 6 na available sa GMA Affordabox at GMA Now.
KILALANIN ANG ILAN SA MAHUHUSAY NA COMEDIANS NA GALING SA BUBBLE GANG: