
'More Tawa, More Saya' ang natanggap ng viewers ng longest-running gag show ng bayan na Bubble Gang na ipinalabas nitong Linggo ng gabi, November 9,2025.
Kaya sinuklian ng mga Ka-Bubble ang kuwelang episode ng award-winning comedy show nang makakuha ito ng 9.6 percent TV ratings base sa datos ng NUTAM People Ratings.
Mapapakamot kayo ng ulo sa paghaharap ng dalawang magkatunggali sa 'Mortal Kembot!'
Mukhang 'friendship over' na sina Contractor at Politician!
Ano kaya ang mangyayari sa dalawa? Sino ang magwawagi sa pagitan ng dalawang animal, este, magkalaban?
Balikan ang 'Mortal Kembot' sketch na pinagbidahan nina Betong Sumaya at Matt Lozano sa video below:
Heto pa ang ilang eksena na masarap ulit-ulitin na napanood sa Bubble Gang:
Rere Madrid, na-hot seat dahil hindi nagbasa ng script!
Hindi nga ako mabait!
Masiba si Larry sa Zumba!
Kapitana, ako 'to, si kumare mo!
Tropa mong mahilig i-post ang lahat
Kuwentong magikero
Matt Lozano, nalunod sa tawid-baha relay!
For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit http://www.gmapinoytv.com.