
'More Tawa, More Saya' ang natanggap ng viewers ng longest-running gag show ng bayan na Bubble Gang na ipinalabas nitong Linggo ng gabi, July 13.
Kaya sinuklian ng mga Ka-Bubble ang kuwelang episode ng award-winning comedy show ng makakuha ito ng 6.4 percent TV ratings base sa datos ng NUTAM People Ratings.
Nakakaduda ang bagong trainer (Paolo Contis) sa BG Power Gym.
Ang assessment kasi nito sa gym goers ay very personal dahil gusto nitong hawakan ang muscles ng guys.
Kaya ang hinala ng mga ito, parte siya ng 'ka-federasyon.' Tama kaya ang kanilang hula?
Balikan ang funny 'Touch Move' sketch kung saan bida sina Paolo Contis, Chariz Solomon, EA Guzman, Kokoy de Santos, at Buboy Villar.
Heto pa ang ilang eksena na masarap ulit-ulitin na napanood sa Bubble Gang:
Maraming bading sa gym?
Mga taong nakakaputok ng buchi!
Danaya at Analyn Barro, bihasa masyado sa Read My Lips challenge!
Pambihirang asawa 'to!
Manong driver, nag-init kay Asia's Mekaniko!
Vlogger, sinaksak forda content!
Misis mong pinagseselosan ang lahat
Kamay na iniwan ni misis, may kasamang sama ng loob!
Ligtas for tonight's bidyo si Cheska Fausto!
For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit http://www.gmapinoytv.com.