
Mas mainit pa sa summer ang suporta na natanggap ng hit gag show na Bubble Gang last Sunday night.
Nakagpatala ang summer special ng longest-running gag show ng 8.2 percent TV ratings base sa NUTAM People Rating noong May 5.
Kahit nasa bakasyon ang favorite nating mag-asawa, mukhang may matindi na naman silang pinagtatalunan!
Nahuli kasi ni misis ang kanyang mister na nabighani sa isang sexy na kikay na nakasuot ng pulang bikini.
Paano kaya papatunayan ng galit na galit na misis na may something ang kikay girl at ang kanyang malanding asawa?
Balikan ang nagbabagang tawanan sa 'Mr. & Mrs.' sketch kung saan bida sina Michael V. at Chariz Solomon sa video below.
Mister na walang patawad hanggang sa outing, may ibang inuuwian!
Heto pa ang ilang eksenang masarap ulit-ulitin na napanood sa Bubble Gang:
Mga bawal kapag birthday mo
Synchronized swimming pero wala sa pool!
Paano i-test ang ihi detector app?
Lifeguard na pinaglihi sa sama ng loob
Machong lifeguard, nag-iibang anyo kapag galit!
For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit http://www.gmapinoytv.com.