
“More Tawa, More Saya” ang natanggap ng viewers ng longest-running gag show ng bayan na Bubble Gang na ipinalabas nitong Linggo ng gabi, August 2, 2026.
Nakamit ng flagship comedy program ng GMA-7 ang 6.2 percent na TV ratings base sa NUTAM People Ratings.
Ramdam ang yabang ni Lulu (Analyn Barro) nang ipakita sa kaniyang girlfriends ang chic house niya.
Excited ang mahangin nating bida na mapa-house blessing ang kaniyang beautiful house.
Kaso, may lalaking (EA Guzman) pumasok na sa tingin ni Lulu ay tila gusto at nagagandahan sa kaniya.
Matuloy kaya ang house blessing ni Lulu sa pagdating ng guwapong bisita?
Balikan ang “Lulu Delulu” sketch kung saan bumida sina Analyn Barro, EA Guzman, Cheska Fausto, at Chariz Solomon.
Nagpa-house blessing sa airbnb?!
Heto pa ang ibang funny moments ng pambansang comedy show ng Pilipinas.
Sakit-sakitan 'pag malapit na ang hulihan!
Girlfriend na free trial
One-sided na prosecution
Gamot sa mister na nagdududa
Nakaka-offend ka!
Komplikadong magkuwento
Sick leave muna si Senator!
For Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit http://www.gmapinoytv.com.