
Safe space n'yo mga Kababol ang panonood ng Bubble Gang tuwing Friday night.
Kaya hayaan n'yo kami na maghatid ng unli-tawanan na pampa-relax n'yo sa darating na weekend.
Panigurado na hahagalpak kayo sa kakatawa sa mga sketch na “Bastos Mag-isip,” “Kaka-flip,” at “Makasalanang Kamay.”
At siyempre, makikigulo rin ang mga Running Man PH stars na sina Buboy Villar at Angel Guardian sa atin!
Kaya umuwi ng maaga sa darating na February 24 at tutok sa all-new episode ng Bubble Gang sa oras na 9:40 p.m.
Mapapanood n'yo rin ang flagship Kapuso gag show sa Pinoy Hits sa Channel 6 na available sa GMA Affordabox at GMA Now.
KILALANIN ANG ACTRESS-SINGER NA SI ANGEL GUARDIAN SA GALLERY NA ITO: