
“More Tawa, More Saya” ang natanggap ng viewers ng longest-running gag show ng bayan na Bubble Gang na ipinalabas nitong Linggo ng gabi, August 3, 2025.
Kaya sinuklian ng mga Ka-Bubble ang kuwelang episode ng award-winning comedy show ng makakuha ito ng 6.2 percent TV ratings base sa datos ng NUTAM People Ratings.
Gulong-gulo ang lahat dahil ibang Sangˈgre yata ang napanood ng mga Ka-Bubble dahil ang mga makapangyarihang nilalalang na ito sa halip na tumulong ay galit, nanglalait o pasaway.
Maging problema kaya ng mga tao sina Adamot (Kokoy de Santos), Pakelamarra (Chariz Solomon), Hindeia (Analyn Barro), at Laiterra (Buboy Villar)?
Balikan ang funny “Angˈgre” sketch kung saan bumida sina Buboy Villar, Chariz Solomon, Analyn Barro, at Kokoy de Santos sa video below.
Ang bagong tagapangalaga ng mga brilyante!
Ang tagapagligtas ng Engkangtodo!
Heto pa ang ilang eksena na masarap ulit-ulitin na napanood sa Bubble Gang below.
Misis mong stalker
Aircon humor vs. kanal jokes
Pasyenteng buhay 'to!
Burger ka sakin
Mister vs. The Stealth Misis
Self-defense 101, dapat mabagal lang!
Serbisyong totoo, balitang malabo!
The job is to blow pero ulo-ulo lang!
For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit http://www.gmapinoytv.com.