
May celebration ng 30th anniversary at mayroon pang tapatan ang Bubble Gang stars sa Family Feud.
Ngayong Biyernes, October 17, mapapanood sa Family Feud ang gabing may tawanan at nostalgia kasama ang iconic Bubble Gang cast.
Maglalaro sa Team Bubble Gang si Paolo Contis bilang ever-confident na si Emil Maangi; si Betong Sumaya bilang controversial Senator Markolekta; Matt Lozano bilang unfriendly Senator Espada, at si Diego Llorico na mapapanood as himself.
Makakalaban nila ang mga Ang'gre na parody ng top-rating Encantadia Chronicles: Sang'gre. Kabilang sa Team Batang Bubble sina Chariz Solomon as Ang'gre Pakelamarra (Fire), Analyn Barro as Ang'gre Hindeia (Air), Buboy Villar as Ang'gre Laitera (Earth), at special guest ang former Bubble Gang mainstay na si Diana Zubiri na original Danaya from Encantadia.
Laughter, surprises, at signature Bubble Gang humor ang mapapanood sa Family Feud ngayong Biyernes (October 17), 5:40 p.m. sa GMA.
Subaybayan ang fresh episodes ng Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 10,000 up to PhP 100,000! Panoorin ito para sa paraan ng pagsali sa Guess More, Win More promo: