
Super lakas ng suporta ng viewers sa longest-running gag show na Bubble Gang tuwing Linggo ng gabi!
Nitong September 1, nakakuha ang award-winning comedy show ng 9.6 percent TV ratings base sa datos ng NUTAM People Ratings.
Hindi lang to the rescue si Supermamshie (EA Guzman) this Sunday night, pero nag-iwan ito ng magandang paalala sa kung paano iha-handle ang sitwasyon kapag hindi sinasadya ng isang tao na ma-misgender nito ang isang transwoman (Betong Sumaya).
Isang aplikante (Kokoy de Santos) sa pagiging security guard sa JDA corporation ang nakatikim ng hagupit ng isang transwoman, matapos siya tawagin ng applicant na 'bro.'
Bagamat humingi ng tawad ang lalaki, pilit siyang pinatayo ng transgender woman para bigyan ng two hours na lesson sa gender sensitivity.
Mukhang hindi bet ni Supermamshie ang ginawang ito ni ate girl!
Paano kaya ipapaintindi ng ating pretty superhero na mali ang ginawa ng transwoman?
Balikan ang informative and funny sketch na 'Supermamshie' kung saan bida sina EA Guzman, Kokoy de Santos, at Betong Sumaya.
Bruhang pa-victim pero mapagsamantala!
Heto pa ang ilang eksena na masarap ulit-ulitin na napanood sa Bubble Gang below.
Very demure and mindful ang mga badet!
The Incredible Betong!
Doctor na mahilig mang doctor ng dokumento!
Holdap 'to, hindi ito scripted!
Kulot at Kulit, may mansion na!
Trending ang breakup series sa MaritesFlix!
Delivery Rider with extra service?
For Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit http://www.gmapinoytv.com