
Alam namin kailangan n'yo na mag de-stress mga Kababol, after a long and hectic week.
Kaya naman sinigurado ng paborito n'yong barkada sa pangunguna ng multi-awarded comedian na si Michael V. na maalis ang lungkot n'yo sa mga pasabog na sketches at gags ng Bubble Gang ngayong May 5.
Sasali rin sa tawanan at kulitan ang mga iniidolo n'yo na mga Kapuso comedians tulad nina Paolo Contis, Archie Alemania, Chariz Solomon, Valeen Montenegro, Analyn Barro, Faye Lorenzo, Betong Sumaya, at Sef Cadayona.
Todo rin ang paghahatid ng good vibes nina Kokoy de Santos, Faith da Silva, Dasuri Choi, Kim de Leon, at Tuesday Vargas.
If urgent ang paghahanap n'yo ng pampasaya, tumambay na at manood ng Bubble Gang sa oras na 9:40 p.m. ngayong Biyernes, May 5.
Puwede n'yo rin mapanood ang kulitan sa flagship Kapuso gag show sa Pinoy Hits sa Channel 6 na available sa GMA Affordabox at GMA Now.
SILIPIN ANG INSTAGRAM-WORTHY SUMMER PHOTOS NG BUBBLE GANG GIRLS DITO: