
Engrande ang hinandang anniversary presentation ng award-winning at longest running gag show na Bubble Gang para sa kanilang 28th anniversary this 2023.
Talaga namang siksik sa mga naglalakihang bituin sa showbiz, social media, at OPM ang tampok sa 'Bente O-chew' special na mapapanood sa November 19 at November 26.
Abangan sina King of Talk Boy Abunda, chef-vlogger Ninong Ry, Tiktoclock host Kuya Kim Atienza, John Feir, Pekto, at Star of the New Gen Jillian Ward.
Makakasama rin sa two-part special sina Magandang Dilag star Herlene Budol at Eat Bulaga host Isko “Yorme” Moreno.
Hindi n'yo rin dapat palampasin ang jamming nina Michael V. bilang Lolo Kanor kasama ang OPM band na Lola Amour!
Mark your calendars for the big celebration na mangyayari sa Bubble Gang ngayong November 19 at November 26 sa Sunday Grande sa Gabi sa oras na 6:35 pm.
INTERESTING FACTS ABOUT DIREK BITOY: