
May pa-sample ang award-winning comedian at creative director na si Michael V. sa bago niyang i-impersonate sa longest-running gag show na Bubble Gang.
Sa Instagram Story ng highly-respected comedian, makikita na ginaya niya ang signature look ng celebrity chef at vlogger na si Ninong Ry o Ryan Morales Reyes sa totoong buhay.
Naka-tag pa si Ninong Ry sa post ni Direk Bitoy at sa caption ng post sabi nito, “Kumusta mga inaanak? Abangan sa #BubbleGang!”
Source: michaelbitoy (IG)
Laking tuwa naman ni Ninong sa patikim ng seasoned comedian sa bago niyang karakter sa hit gag show ng bansa.
“Legit ba idol bitoy???? Na-excite ako!!!!!!!”
Noong November 2022, ipinakita naman ng Sparkle comedian na si Sef Cadayona sa Bubble Gang ang impersonation niya sa socialite and vlogger na si Small Laude.
ALALAHANIN ANG ILAN SA PATOK NA PARODY SONGS NI DIREK MICHAEL V. DITO: