GMA Logo Buboy Villar
PHOTO SOURCE: YouTube: Camille Prats Yambao
What's Hot

Buboy Villar, inilahad ang pagsisikap para sa dalawang anak

By Maine Aquino
Published July 19, 2023 5:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

BRP Emilio Jacinto conducts maritime patrol, test fire off Zambales
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Buboy Villar


Ikinuwento ni Buboy Villar ang kaniyang pagsisikap sa trabaho at negosyo para sa kinabukasan ng dalawang anak nila ni Angillyn Gorens.

Ikinuwento ni Buboy Villar ang pagsisikap sa trabaho bilang aktor, host, at negosyante para sa kinabukasan ng anak nila ni Angillyn Gorens.

Sina Buboy at Angillyn ay mayroong dalawang anak na sina Vlanz Karollyn and George Michael. Taong 2020 nang napabalitang tinuldukan nila ang kanilang relasyon.

Sa YouTube channel ni Camille Prats ay pinag-usapan nila ni Buboy ang pagiging ama ng Eat Bulaga host sa dalawang anak.

Buboy Villar

PHOTO SOURCE: YouTube: Camille Prats Yambao

Isa sa mga inilahad ni Buboy ay ang pagpapasalamat niya sa mga magulang ni Angillyn.

Ani Buboy, "Malaking tulong sa akin 'yung parents ni Angillyn, yung lolo't lola kasi talagang sila 'yung nagsu-support sa amin, I mean, nagsu-support sa mga bata. 'Yun talaga 'yung nilu-look forward nila na ayaw nila masira ang future which is kami rin. Kaya lagi kaming nakikinig sa mga payo nila."

Ayon pa kay Buboy noong una ay hindi siya pabor sa pag-asikaso ng US citizenship ng mga bata.

Pag-amin ng Sparkle artist, "Kasi alam kong para rin sa future. Pero noong una, dito kasi nilabas e, so hindi ako pumayag. Ngayon, pumayag na ako."

Noong panahong nandito pa ang mga anak ni Buboy, ang mga magulang ni Angillyn raw ang naging kasama niya sa pag-aalaga.

"Hindi na ako nahirapan sa pag-alaga sa bata kasi kapag may trabaho ako, nasa kanila 'yung bata. 'Pag wala akong trabaho, nasa akin."

Ngayong busy si Buboy sa showbiz career at negosyo, ang kaniyang ikinababahala ngayon ay ang makitang mabilis na paglaki ng mga anak.

Saad ng aktor, "Siyempre dahil may business din, ito naman 'yung problema. Ang dami ko na ring ginagawa. Naghahanap ako ng time para makadalaw sa bata. Kasi lumalaki na sila, ang hirap na nasaan si papa? My papa didn't miss me. Gumaganoon na 'yung anak kong panganay."

Dugtong pa ni Buboy, "Lagi kong sinasabi na malapit na ako sa parang next stage kasi nag-aaral na. 'Yung panganay ko nag-aaral na. Ang bilis ng transition ng buhay ngayon noong naging parent ka na."

Aminado rin si Buboy na mahirap ang buhay mag-isa.

"Struggle rin dahil siyempre dahil mag-isa ka lang din. Wala kang parang uuwian na misis, pero dahil ako ay workaholic hindi ko na iniisip 'yun."

Sa ngayon, nagpapasalamat si Buboy dahil nakakapagtrabaho siya para sa mga anak.

"Pag-uwi ko sa bahay, thank you Lord nakauwi ako, mayroon akong kinita ngayon para sa anak ko, bukas na lang po ulit."

BALIKAN ANG RELATIONSHIP TIMELINE NINA BUBOY AT ANGILLYN DITO: