GMA Logo Buboy Villar
Source: buboyvillar (IG)
What's on TV

Buboy Villar, ipinasilip ang line rehearsals nila sa 'Taskforce Firewall'

By Marah Ruiz
Published July 19, 2026 6:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Jelai Andres, napatawad na ang ex-husband at ang kaniyang sarili: 'Kasi kailangan'
PRO-6 probes alleged extortion try by supposed Iloilo cop
New Era of Romance: why the Philippines is evolving into a world-class wedding destination

Article Inside Page


Showbiz News

Buboy Villar


Ipinasilip ni Buboy Villar kung paano nila pinapraktis ang mga linya nila sa 'Taskforce Firewall.'

Bentang-benta ang mga hirit ni Kapuso comedian Buboy Villar sa tech-driven action-drama series na Taskforce Firewall.

Gumaganap siya dito bilang Jhay-jhay, ang drone expert ng cybercrime team.

Ipinasilip niya kung paano niya ni-rehearse ang isang eksena kasama ang co-star na si Miguel Tanfelix na gumaganap naman bilang teammate niyang si Galo.

"Siyempre maganda na 'yung pagkakabasa nung script namin pero gusto kasi namin kapag pinapalabas din po siya sa TV or kahit saan man n'yo napapanood, gusto namin 'yung natural kung paano namin siya sinasabi," paliwanag ni Buboy.

Sinusubukan daw niyang gawing magkakaiba ang approach ng karakter niya sa iba't ibang mga kasamahan.

"May iba't ibang emotions. Like kapag kasama ko Isa (Kylie Padilla), iba 'yung usapan namin. 'Pag kasama ko naman si Miguel, iba din 'yung dynamics," paliwanag niya.

Panoorin ang script reading nina Buboy Villar at Miguel Tanfelix bago ang kanilang eksena dito:

Patuloy na panoorin Taskforce Firewall, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime. Naka-simulcast ito sa GMA-7, Heart of Asia, at I Heart Movies.

May second telecast din ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din GMA Play.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.