GMA Logo Buboy Villar, Angillyn Gorens
source: buboyvillar (IG), angillyn.gorens.54 (FB)
What's on TV

Buboy Villar, naniniwalang right timing ang pagkakayos nila ng ex-partner na si Angillyn Gorens

By Kristian Eric Javier
Published August 23, 2026 1:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Strong 6.7-magnitude quake strikes southern Peru — USGS
Man lands in hospital after fire razes home in Bacolod
Otherworld Festival Manila is happening this November

Article Inside Page


Showbiz News

Buboy Villar, Angillyn Gorens


Answered prayers para kay Buboy Villar ang pagkakayos nila ngayon ng ex-partner na si Angillyn Gorens.

Matapos ang mga akusasyon kay Taskforce Firewall star Buboy Villar, ibinahagi ng aktor na sa wakas ay nagkaayos na silang muli.

Sa Fast Talk with Boy Abunda kasama ang co-star na si Angelica Hart, ibinahagi ni Buboy ang magandang balita. Matatandaan na noong huling bumisita ang actor-comedian sa naturang GMA Afternoon Prime talk show, iyon ay para sagutin ang mga akusasyon ni Angillyn sa kaniya.

At sa pangangumusta ni King of Talk Boy Abunda sa kaniya, sinabi ni Buboy, “Alam n'yo po, after po nu'ng nangyari po na 'yun, pinagdasal ko na lang po talaga lahat. Sinurrender ko na po kay Lord ang mga bagay-bagay and kakadasal ko, kakakulit ko po, Tito Boy, merong isang araw, nasa taping po ako, nagkausap po kami, kausap ko 'yung anak ko, si Vlance, and then biglang out of nowhere, kinuha niya lang 'yung phone tapos gusto niya akong makausap.”

Sabi ni Buboy, nagkausap sila ni Angillyn at nagkapatawaran. Sabi ng aktor, maganda ang nangyaring ito para sa kaniya dahil matagal na niyang inaasam na magkaayos sila ng dating partner.

Ngunit ang napagtanto niya ngayon, “May mga bagay na gusto natin kaagad mangyari, pero may mga bagay na kailangan i-surrender mo rin. Hindi natin alam kung kailan siya mangyari. The perfect time and the perfect moment na nangyari po sa akin, nasa kotse lang po ako, Tito Boy, magkausap kami.”

Ngayon, mas maayos na ang relasyon nila ni Angillyn at mas maganda na rin ang co-parenting setup nila. Ani Buboy, mas maliwanag na at mas bukas na sila ni Angillyn mag-usap.

“Kumbaga mas naiintindihan na niya 'yung eksena ko, 'yung mga ganap ko sa buhay. Hindi na niya ako masyado nakukuwestyon. Blessing for us, Tito Boy, kasi mas bumukas kaming dalawa, mas inintindi na lang namin 'yung mga bata kaysa sa aming mga buhay-buhay,” sabi ni Buboy.

KILALANIN ANG CELEBRITY COUPLES NA NANATILING MAGKAIBIGAN PARA SA KANILANG MGA ANAK SA GALLERY NA ITO: