GMA Logo Buboy Villar and his kids
Courtesy: buboyvillar (IG)
Celebrity Life

Buboy Villar, paano naka-move on sa hiwalayan nila ni Angillyn Gorens?

By EJ Chua
Published August 2, 2023 12:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Fire erupts in Kuwait's Shuwaikh oil sector complex after drone attack —report
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Buboy Villar and his kids


Buboy Villar sa pinagdaanang breakup noon: 'Yung self-love, pinuno ko talaga 'yung sarili ko, nag-uumapaw talaga dapat para maibigay ko rin sa mga anak ko.'

Sa previous vlog ni Camille Prats, inalala ng Eat Bulaga host, actor, at comedian na si Buboy Villar ang ilang pinagdaanan niya noon sa kanyang love life at sariling pamilya.

Kabilang sa ibinahagi ni Buboy ay kung ano ang nangyari noon sa relasyon nila ng kanyang American ex-partner na si Angillyn Gorens.

Unang ikinuwento ng aktor kung paano nagsimula ang kanilang hindi pagkakaintindihan.

Pagbabahagi niya, “Siguro sa patience na rin, hindi na rin kaya, sa time, kasi gusto kong lumabas nun, gusto kong maghanap ng pera."

Dagdag pa niya, "Nasa Amerika siya noon, tapos nasa trabaho ako, nakikipaghiwalay siya. Hindi ko alam gagawin ko kasi buntis din siya sa pangalawa namin.”

Ibinahagi rin ni Buboy na mas inuna nila ang kanilang mga anak kaysa sa kanilang relasyon bilang magkasintahan.

Ayon sa kanya, “Gusto niya na yatang mag-for good doon. So ayun nag-decide kami, 'Unahin natin ang mga bata, huwag tayo. Sige, maghiwalay tayo tapos mag-focus tayo sa mga bata. Mas maganda maging okay tayo in the future.'”

Sabi pa niya, pinag-usapan daw nila ni Angillyn ang lahat ng naging issues nila para sa kani-kanilang peace of mind sa oras na tuluyan na silang magkahiwalay.

Kuwento niya, “Ayoko rin lagyan ng tuldok 'yung relasyon…napag-usapan ang lahat, nasabi ko lahat… Tingnan ko muna, abante lang ako saglit.”

Kasunod nito, inilahad na niya kung paano siya bumangon mula sa kanilang hiwalayan.

Sabi niya, “After three years, mas nakita ko na 'yung mga anak ko, 'yung yakap nila, 'yung kung gaano nila ako kamahal. Inayos ko muna talaga 'yung sarili ko. 'Yung self-love, pinuno ko talaga 'yung sarili ko, nag-uumapaw talaga dapat para maibigay ko rin sa mga anak ko.”

“Hindi man materyal, hindi man laging nandoon, pero 'yung time na makausap mo, at naiintindihan ka hindi man sa salita pero puso sa puso.”

Si Buboy ay mayroong dalawang anak sa kanyang ex-partner na si Angillyn na kasalukuyang nasa Amerika.

Sa ilang Instagram posts ng aktor, makikita ang bonding moments niya kasama ang kanyang cute na cute na mga anak na sina Vlanz at George.