GMA Logo Buboy Villar
Courtesy: Camille Prats Yambao (YouTube) and buboyvillar (IG)
What's Hot

Buboy Villar, paano nga ba nag-adjust noon mula sa pagiging child star?

By EJ Chua
Published July 21, 2023 10:39 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO summons driver of modern jeepney in viral counterflow video
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Buboy Villar


Buboy Villar sa kanyang career nang magsimula na siyang magbinata: “Ano ba ako? Hindi naman pwedeng child star palagi…”

Ang Eat Bulaga host at comedian na si Buboy Villar ang pinakabagong guest ni Camille Prats sa kanyang vlog na #CamCookWithMe.

Nakipagkwentuhan si Buboy kay Camille at kabilang sa kanilang napag-usapan ay ang pagdaan nila sa awkward stage kung ano ang role na nababagay sa kanila noong nagsisimula na silang magdalaga at magbinata.

Pahayag ni Camille, “Dadaan kasi talaga tayo sa stage na, hindi na alam ano'ng role kaya ang ibibigay… bata pa ba siya o binata… 'Yung hinahanap kung ano dapat mong pagpwestuhan.”

Sabi naman ni Buboy, “Nararamdaman ko na siya [awkward stage] totoo. After Amaya, mga 13 or 14, teenager na at nararamdaman ko na rin na 'yung boses ko nagbabago na, may piyok na.”

Dagdag pa niya, “Sabi ko, 'Hala, parang hindi bagay sa akin na ganon ang boses ko tapos ganito 'yung katawan ko… Hindi puwede, kailangan sanayin ko 'yung boses ko na laging high, matataas.'”

Kasunod nito, ikinuwento niya kung ano ang ginawa niya para hindi siya mawalan ng trabaho bilang isang aktor.

Pagbabahagi ni Buboy, “Ganito nangyari… dahil madiskarte rin kami, 'yung ermat ko rin hindi lang kami nag-focus on mainstream, mayroon din tayong indie films. Nag-focus ako sa movies at talagang nakipagsapalaran ako roon. Thank, God, din talaga na hindi ako nawalan…”

Nabanggit din ni Buboy na kinailangan niya talagang umusad mula sa pagiging child star upang magpatuloy ang karera niya sa showbiz.

Kwento niya, “After nun, parang naramdaman ko na kailangan kong makagawa ng paraan para mag-move forward. Ano ba ako? Hindi naman pwedeng child star palagi…”

“Bait lang ni Lord, nagsikatan na… tapos ako, sama ako…ganon lang ako kasi alam ko naman 'yung parang capacity ko. Hindi man ako 'yung parang pogi pero mayroon akong kayang gawin at maitutulong sa kanila at mayroon din silang naitulong sa akin,” dagdag pa niya.

Samantala, sa naturang vlog ni Camille sinabi ng aktres na na-inspire siya kung paano umikot ang buhay ni Buboy sa entertainment industry.

SILIPIN ANG DADDY MOMENTS NI BUBOY VILLAR SA KANYANG MGA ANAK NA SINA VLANZ AT GEORGE SA GALLERY SA IBABA: