GMA Logo Buboy Villar
Celebrity Life

Buboy Villar, patuloy sa pag-i-invest sa kanyang negosyo

By Maine Aquino
Published March 15, 2023 7:51 PM PHT
Updated March 16, 2023 5:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Buboy Villar


Alamin ang estado ng food business ni Buboy Villar at kaniyang pinaplanong bagong negosyo.

Ibinahagi ni Buboy Villar na mayroon na siyang 12 na franchise para sa kaniyang itinayong food business na Paresan ni Bok.

Ang Paresan ni Bok ay itinayo ni Buboy sa gitna ng COVID-19 pandemic para suportahan ang kanilang pamilya. Ayon sa kuwento ni Buboy, naka-focus siya ngayon sa pagpapa-ikot ng kaniyang pera.

PHOTO SOURCE: @buboyvillar


Inilahad ito ni Buboy sa Beautéderm and Sparkle media conference noong March 7 kung saan ipinakilala ang Kapuso actor bilang bagong endorser.

Pag-amin ni Buboy, hindi niya pa binibilang ang kaniyang kinikita dahil ang pinagtutuunan niya ng pansin ay ang kaniyang itinayong negosyo.

"Nasa stage po ako ng investment talaga as in parolyo po ako ng parolyo ng mga sinasahod ko po."

A post shared by Buboy Jr Villar (@buboyvillar)


Dugtong pa ng Sparkle star, "Hindi ko po siya binibilang kasi... kumbaga ngayon po hassle pa rin po ako sa buhay. Kasi of course mayroon po akong dalawang anak na sobrang blessed ako na dumating sila sa buhay ko at nakilala ko pa ang sarili ko, inalagaan ko ang sarili ko."

Ikinuwento rin ni Buboy sa media conference na naghahanda na rin siya sa mga susunod niya pang pinaplanong negosyo.

"Sa ngayon po naka-focus lang po ako sa Paresan ni Bok, pero soon magkakaroon rin po ako ng mga cart coffee. Soon pa po 'yun. Nagma-manifest po ako, step by step pero nangyayari, 'yun po ang importante."

Saad pa ng aktor ang aral na natutunan sa kaniyang buhay.

"Isa lang po natutunan ko sa buhay, huwag kang makalimot at laging magpasalamat, maliit man o malaki. Gawin mo ang 100% araw-araw. Kasi isa lang ang buhay natin, kailangan pahalagahan natin ang mga nasa paligid natin. Of course, lalo na 'yung mga tumutulong sa atin."

SAMANTALA, KILALANIN ANG IBA PANG MGA CELEBRITIES NA NAGNEGOSYO SA GITNA NG COVID-19 PANDEMIC: