
Tila walang makakaawat sa kakulitang taglay ng Kapuso comedian at vlogger na si Buboy Villar.
Sa latest Facebook post ni Buboy, ibinahagi niya ang isang nakakatawang video kasama ang kaniyang False Positive co-star na si Herlene “Hipon Girl” Budol.
Mapapanood sa video kung paano isinagawa ng aktor ang naisip niyang prank para magising si Herlene mula sa mahimbing na pagtulog nito sa isang sofa.
Unang ibinahagi ni Buboy na nakitulog si Herlene sa kanilang Villa dahil ayaw at takot daw itong mag-isa sa dati nitong tinutulugan habang kasalukuyan silang nagte-taping para sa pinakabagong show ng GMA.
Habang natutulog si Herlene, wala siyang kaalam-alam sa kalokohang naisip ni Buboy para siya ay gisingin.
Imbes na gisingin ang beauty queen aspirant sa simpleng pamamaraan, isang nakakatawang trip ang isinagawa ng aktor.
Habang hawak ang isang tsinelas, nagkunwari si Buboy na may tumatawag kay Herlene kaya't inilagay niya ang tsinelas sa mismong tenga nito upang magsilbing pekeng mobile phone.
Sunod naman ay gumamit siya ng remote upang ulitin ang prank kay Herlene.
Sa kasalukuyan mayroon nang mahigit 720,000 views at patuloy na umaani ng napakaraming positive reactions at comments ang naturang video.
Panoorin sa video na ito kung paano na-prank ni Buboy si Herlene:
Mapapanood sina Buboy at Herlene bilang si Malakas at si Maganda sa pinakabagong light romance at family drama sa GMA Telebabad na pinamagatang False Positive.
Samantala, kilalanin pa ang Binibining Pilipinas 2022 candidate na si Herlene “Hipon Girl” Budol sa gallery na ito: