
Boto ang tinaguriang “The Funny Juan” sa Running Man Philippines na si Buboy Villar kung sakali maging “more than friends” ang mga co-stars niya na sina Kokoy de Santos at Angel Guardian.
Sa world premiere pa lamang ng reality show last September 3, napansin agad ng viewers ang kilig chemistry ng dalawa. Nakapagtrabaho na noon sina Kokoy at Angel sa prequel ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento.
Kuwento ni Buboy sa 'Updated with Nelson Canlas', sinabi niya na kahit sila mismo tinutukso ang dalawa na bagay sila noong nagsho-shoot sila sa South Korea.
“Ibang usapan na 'pag nasa loob ng Running Man, 'pag nasa Running Man mission ka na. Pero pagdating sa pagkaka-developan 'yung dalawa feeling ko naman eh special friend itong dalawa.
“Kagaya ng nasabi ni Angel [Guardian] special friend niya si Kokoy [de Santos]. Lagi namin inaasar ng mga Runners na bagay naman kayo. Wala naman masama doon.” sabi ng comedian.
Dagdag niya, “Kami na nga mismo nagsasabi, ewan ko lang sa dalawang 'to. Kumbaga bahala na kayo sa buhay ninyo malalaki na kayong dalawa, alam niyo na ang wrong at right.”
May hirit din si Buboy Villar sa kaibigan na si Ruru Madrid at sa bansag sa kaniya na “The Hotshot.”
Sabi niya kay Nelson, “Pinaka-pogi, pinaka-boka. Actually, kay Ruru [Madrid] lang pinangalan 'yung “Hotshot” na 'yun e, kasi nga, siya kasi 'yung medyo mainitin talaga.
“Pero sa akin dapat 'yung Hotshot na yun. Pero naisip ko na lang, sige-sige, akin na lang 'yung Funny Juan okay lang yan.”
Ano naman kaya ang advantage niya sa kapwa niya celebrity Runners lalo na at mas exciting ang mga susunod na episodes?
“Na sa akin 'yung bilis at siyempre 'yung pinaka-challenging diyan, ako 'yung pinaka maboka… Ang sabi ko lang, ang talent ko dito, ang advantage ko dito is 'yung pagsasalita ko, kung paano ko sila papaikutin lahat.”
MEET OUR MULTI-TALENTED CELEBRITY RUNNERS HERE: